Tawanan at Halaman kasama si Rio

Ilang araw na lang at matatapos na ang Second Quarter!  Kumpara sa nagdaang quarter, mas challenging ito para sa aming pamilya. Naospital kasi si Lola M nang higit isang linggo kaya kailangan naming mag-adjust lalo na sa aming homeschool lessons at schedule.

Karay-karay namin si Rio sa pagbabantay kay Lola M sa ospital. Siyempre, dala rin namin ang mga libro  niya sa Math at Filipino. Sana nga nabawasan ang sakit na nararamdaman ni Lola habang nagpapraktis kami ng subtraction sa lobby ng ospital. Nang mailipat na si Lola M sa private room mula sa ICU, pinilit naming maglaan ng oras para sa pag-aaral.  O di ba, hospital schooling ang datingan naming mag-ina.

img_9467

img_9469

At sa ospital nga namin natapos ang K2A Math workbook! Tagumpay! 

Nang makalabas kami sa ospital, doon ko na napansing hindi kami nakapag-aral kahit isang lesson sa English at Science. Kaya naman ang dalawang subjects na ito ang pokus namin ngayon. Sa totoo lang, marami man kaming natitirang lessons, chill pa rin naman kami. Isa kasi sa mga iniingatan ko lalo pa’t naka-enrol kami sa isang homeschool provider ay ang pagiging sobrang structured lalo na sa pagsunod sa schedule. ‘Yun bang feeling na kailangang masunod ang lessons for the week at mapapraning kung hindi. Lagi kong pinapaalala sa sarili ko na isa sa mga kagandahan ng homeschooling ay ang laya at flexibility na iayon ang mga lessons batay sa kakayahan at interes ng bata.

Ang original plan talaga namin para sa lessons naming sa plants ay mag-field trip sa isang farm kung saan makikita, mahahawakan at kongkretong mapag-aaralan ni Rio ang iba’t ibang uri ng halaman. Nakaplano na ang aming biyahe papunta sanang Costales Farm sa Majayjay, Laguna ngayong Oktubre at doon mag-review ng aming mga nabasa at napag-aralan tungkol sa halaman. Yun nga, mukhang mapopostpone muna ito dahil tutok kami ngayon para sa pagpapagaling ng aming pinakamamahal na Lola M.

Kaya habang hindi pa kami nakakapunta sa totoong farm, narito ang ilang mga pinagkaabalahan namin para mas maging masaya ang pag-aaral naming tungkol sa mga halaman.

  1. Binasa naming ang kuwentong pambatang “Bakawan” na isinulat nina Catherine Yu Untalan, Reena Rae De Leon Sarmiento at Mae Astrid Tobias at iginuhit ni Van Zeus Allen Bascon. Bukod sa makikilala ang iba’t ibang klase ng hayop na naninirahan sa paligid ng mga bakawan, maipapaalala rin sa mga bata ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.
bakawan-photo

photo from adarna.com.ph

2. Nag-enjoy din kami sa pagbabasa ng mga reference books kung saan napakaraming impormasyon at maging mga trivia tungkol sa halaman na madaling natandaan ni Rio.

img_9528

Salamat sa aklat na A First Look at Philippine Trees na inilathala ng Tahanan Books mas nakilala ni Rio ang mga bakawan at iba pang mga puno na makikita sa Pilipinas. Maaari itong bilhin sa Tahanan Books online store, P150 ang isang kopya. 

Sobrang sulit din ng mga reference magazines na nahalukay ko sa Book Sale. Tip: Mabait ang staff ng Book Sale sa Walter Mart near LRT Roosevelt Station. Tinulungan nila kong maghalukay ng mga kids magazines tungkol sa plants and animals.

fullsizerender-22

3. Mahilig si Rio sa Lego at kahit anong napagkakabit-kabit tulad ng connecting cubes na gamit namin sa Math. Ayan, hindi nakaligtas ang lesson namin tungkol sa parts of the plant sa kabit-kabit at dugtong-dugtong adventures ni Rio.

img_9524

Ayan ha, may color coding pa ang bata para mapag-iba ang iba’t ibang bahagi ng halaman! Joke time with Rio

4. Panghuli, pero ang pinakapaborito ko sa lahat ng activity namin para sa lesson na ito, ang video na ginawa namin kung saan nag-share si Rio ng mga jokes na may kaugnayan sa mga bahagi ng halaman. Gamit namin ang Adobe Spark Video na madali at kayang-kaya ng mga batang kalikutin. Maaari itong i-download ng libre sa inyong smartphone para mas madaling i-access ang mga photos sa inyong gallery.

Sana mapanood ninyo ang short video ni Rio  dito sa link na ito https://spark.adobe.com/video/USZP5gdYCk7fq 0 sa aming youtube channel : Nanay’s Trip  (naks !)

Mga mare, may mga suggestion ba kayong activity para mas maging masaya ang pag-aaral tungkol sa mga halaman? Baka mayroon din kayong mairerekomendang farm o lugar sa Metro Manila o malapit dito na maaari naming puntahan para maging mas buhay ang aming lessons, pakishare naman ha. Salamat!

One thought on “Tawanan at Halaman kasama si Rio

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s