July 19 : National Children’s Book Day #BumasaAtLumaya

13391488_1040409082714108_6369773811456255953_o

Ipinagdiriwang ang National Children’s Book Day (NCBD) tuwing ikatlong Martes ng buwan ng Hulyo upang gunitain ang pagkakalimbag ng kuwentong “Matsing at Pagong” na isinulat ni Dr. Jose Rizal at ipinasa sa Trubner’s Oriental Record, isang  magasin sa Europa noong 1885.

Paano kaya natin ipagdiriwang ang araw na ito? May ilang taon ko na ring isinusulat ang mga aktibidad na nagaganap tuwing National Children’s Book Day ( Blog post on NCBD 2013 , 2014) at muli, hinihikayat ko kayo mga mare at pare na markahan ang July 19 at July 23 sa inyong mga kalendaryo. Sama-sama nating kilalanin ang panitikang pambata sa Pilipinas at ibahagi ito sa ating mga anak.

Heto ang ilang mga aktibidad at kaganapang may kaugnayan sa NCBD 2016 na natawid ko sa internet. Taralets!

  1. Book Fair at Children’s Literature Talks sa July 23. Gaganapin ito sa Xavier School, San Juan City. Ilulunsad din ang aklat na Bumasa at Lumaya 2 , A Sourcebook on Children’s Literature in the Philippines sa araw na ito. May kopya na ako ng aklat na ito. Malaman at mayaman sa impormasyon at pagsusuri sa kasalukuyang yugto ng panitikang pambata sa Pilipinas.

program

Mag-email sa ncbdph@gmail.com para magpre-register. Sa registration fee na P800.00, madadaluhan mo ang lahat ng talks na interesado kang pakinggan. Kitakits!

2. Storytelling Workshop for Adults with Kuya Bodjie Pascua sa July 23. Gaganapin ito sa Museo Pambata. Highly recommended ang workshop na ito para sa mga magulang. Maraming technique at ideya sa pagkukuwento ang mapupulot kay Kuya Bodjie. Pagkakataon ding ilabas ang mga matagal nang nakatagong mga kakayahan sa pag-arte at iba pang sining. Sali na! Sulit ‘to, pramis!

kuya bojie

3. Bumili ng mga award-winning na aklat pambata sa NCBD sale ng Adarna House mula July 11 hanggang July 25. Sugod na sa Adarna showroom sa Quezon City!

 

adarnasale

4. Pandayan Bookshop SALE mula July 16-31 – 15% discount sa lahat ng aklat pambata ng Lampara Books. Narito ang mga branches ng Pandayan Bookshop.

pandayan

Mga mare, sinong game ipagdiwang ang National Children’s Book Day sa Nayong Pilipino sa Rizal Park sa July 19, Martes ng umaga? Maaari tayong magpalitan / maghiraman ng mga paboritong aklat pambata ( nakasulat sa wikang Filipino) ng ating mga chikiting. Sabay-sabay na rin tayong mamasyal ( pwede ring mag-picnic) sa bagong Nayong Pilipino. Mag-iwan lang ng comment dito sa blog o mensahe sa FB page ng Nanay’s Trip. Taralets!

Nayong20Pilipino_zpsmsfbldub

photo mula dito : https://renz15.wordpress.com/2016/04/15/a-visit-to-nayong-pilipino-within-rizal-park/

nayong pilipino

 

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s