Araw ng Pamilya sa PETA, tara na!

Ilang araw na lang, pasukan na! Kahit sa aming homeshooling family, simula na rin ng aming “pasukan” sa Hunyo. Kaya naman, siksik liglig na ang mga events/workshops/activities na nakalista sa kalendaryo ni Rio para masulit ang ilang natitirang mga araw ng bakasyon.

Siyempre, hindi namin palalagpasin ang Family Day ng Philippine Educational Theater Association (PETA) sa darating na Mayo 28 at 29. Hangga’t maaari gusto naming ma-expose si Rio sa iba’t ibang porma ng sining. Sa amin kasing pagkakilala sa “learning style” ng aming anak, pinaghalong visual at kinesthetic learner si Rio. Madali niyang nakukuha ang mga bagong kaalaman sa pamamagitan ng panonood ng mga video, pagbabasa at pagmamasid sa mga larawan. Tumatatak naman ang mga lesson namin kung ito ay nakapaloob sa mga laro, awit at mga aktibidad na kailangang gumalaw-galaw.

Kaya naman, sakto ang mga naka-line up na workshop sa Family Day ng PETA sa darating na weekend para kay Rio. May bonus pa dahil mapapanood niya ang dulang “Mga Kuwento ni Lola Basyang”. Tingnan ang mga workshops na maaari nating salihan kasama ng ating mga anak :

Kung mahilig sa kuwento ang inyong mga anak at para makakuha rin kayo ng tips kung paano magiging mas masigla at masaya ang inyong pagkukuwento sa kanila, sali na sa STORYTELLING workshop.

Storytelling

Kung musika naman ang hilig ng inyong mga chikiting, sumali na sa MUSIC and RHYTHM workshop. Sa gabay ng workshop facilitator, maaari kayong makalikha ng inyong sariling kanta. O di ba? Instant composers kayong mag-ina/ mag-ama ng mga awit pambata. Di nga ba’t nakakagulat na lang at bigla na lang maririnig natin ang sariling mga komposisyon ng mga anak natin? Dali, t’yak exciting ang workshop na ito!

Music and Rhythm

Music and Rhythm (2)

At ang napiling workshop ni Rio ay ang PUPPETRY at VISUAL ARTS! Hindi ko alam kung ano ang nakakumbinsi sa kanyang piliin ang workshop na ito : ang makagawa ng sarili niyang puppet o ang makalat at makulay na paglalaruan nilang mga pintura. Kung anuman ang dahilan ni Rio, susuportahan ko siya sa kanyang napiling daluhang workshop. Good luck sa atin,

Visual Arts

Mga mare, ano pang hinihintay natin? Mag-register na at bumili ng mga ticket para sa PETA Family Day. Magaganap ang mga workshop at dulang “Mga Kuwento ni Lola Basyang” ngayong Sabado at Linggo ( Mayo 28 at 29 ) sa PETA Theater Center sa Quezon City. Pumunta sa Ticketworld (http://bit.ly/24tIu7w) para makakuha ng mga ticket o maaari ring tumawag sa 725-6244 local 22-23 o kaya sa 0916-4868696 para makapagpa-reserve ng ticket.

PETA Family Day

#‎FamilyDayWithLolaBasyang #PETAFamilyDay

2 thoughts on “Araw ng Pamilya sa PETA, tara na!

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s