#BuwanNgPanitikan at Iba pang Huntahan

Buwan ng Panitikang Filipino ngayong Abril.  Magandang pagkakataon ito para sa ating mga pamilya para bigyang panahon ang pagkilala sa ating kultura. Maaari natin itong gawin sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat na isinulat ng mga Pilipinong manunulat, panonood ng mga pelikulang Pilipino  at pakikinig sa mayamang karanasan at pananaw ng mga manggagawang pangkultura sa ating bansa. Puwede mo ring simulan ang pangarap mong makapagsulat ng sarili mong kuwentong pambata o sanaysay tungkol sa napakaraming ganap nitong mga nagdaang araw.

Mga mare, hindi na kailangang hintayin pa ang buwan ng Agosto para gawin ang mga nabanggit ko sa itaas. Sa totoo lang, mas maganda kung itatanghal, pahahalagahan at tatangkilikin natin ang panitikang Filipino araw-araw at sa lahat ng pagkakataon.

Heto na muna ang ilang mga aktibidad na maaari nating puntahan ngayong Buwan ng Panitikang Filipino.

  1. Pinoy Bookstore Tour (April 8-10)

bookstore tour

Hindi lang National Bookstore at Fullybooked ang bookstore sa Pilipinas! Marami pang bookstore na maaari nating tambayan para maghanap o kung minsan pa nga ay magbasa ng mga aklat. Sa maraming pagkakaton pa nga, sa mga “di-kilalang” bookstore na ito natin matatagpuan ang mga akda ng mga bago at pinakamahuhusay na manunulat sa ating bansa. Sali na sa Pinoy Bookstore Tour sa April 8-10.

Sa unang araw ng Bookstore Tour, tatlong bookstore sa Metro Manila ang bibisitahin :

  1. Solidaridad Bookshop sa Padre Faura, Manila
  2. artbooks.ph sa Mandaluyong
  3. Uno Morato sa Quezon City

Sa tatlong bookstore na ito, hindi pa ako napapadpad sa artbooks.ph. Mukhang hindi ako makakasama sa tour kaya dadayuhin ko na lang ito sa mga darating na araw. Narito ang itinerary ng bookstore tour kasama ang mga pupuntahan sa Central Luzon at Baguio.

12068738_10153919418490498_783766205286671866_o2. Panitikang Pang-Mass Media (April 13-15)

10403525_959324594184522_6109146655863860660_n

Bukas ang lektura sa lahat ng gustong makinig at lumahok sa talakayan. Ang tatlong araw na lektura ay inorganisa ng Center for Creative Writing ng Polytechnic University of the Philippines bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan.

3. Summer Reading Camp  (April 17)

8838547c-360a-43ca-8258-52e56958a30e

Nandito kaming pamilya noong isang taon at nag-enjoy nang husto si Rio lalo na sa mga art activities  at storytelling ni Kuya Rey Bufi ng The Storytelling Project. Kaya naman nagbabalak uli kaming dayuhin ang Quezon City para dumalo dito. Inaasahan naming mas masaya ngayong taon dahil may ilang mga kaibigan na rin akong nagsabing sasama. Mas marami, siyempre mas masaya!

Sakto rin pala ang araw ng Summer Reading Camp ngayong taon. Tumapat ito ng Linggo kaya’t tiyak na masay ang ating Family Day  sa Quezon Memorial Circle. Tara, kitakits!

Narito ang schedule of activities ng Summer Reading Camp :

8-9am               Registration
9-10am             Launch of Book Mobile Phils, Signup for the Book Mobile Phils Readers Club
10am-11am      Storytelling sessions by The Storytelling Project
11am-12nn       Art activities
12nn-1pm        Paint a Pencil with Black Pencil Project
1-2pm               Storytelling by The Storytelling Project
2-3pm               Art Activities
3-4pm               Closing/ Certificates for participants who completed the whole day event

Sarado na ang online registration pero maaari pa ring mag-register sa venue sa mismong araw ng reading camp. Admission is FREE.

 4. 7th Philippine International Literary Festival (April 28-29) 

a4-e-invite

Ito ang panghuling aktibidad ng National Book Development Board para sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong taon. Maraming kaganapan sa dalawang araw na festival na ito na gaganapin sa QCX Museum sa Quezon Memorial Circle. Bisitahin ang website ng festival para sa iskedyul ng mga lektura at iba pang detalye.

——-

Kung gusto niyo namang ipagdiwang ang Buwan ng Panitikan sa pamamagitan ng panonood ng pelikula, narito ang ilang mga rekomendasyon ng Nanay’s Trip na pelikulang Pilipino ngayong Abril.

  1. Hele sa Hiwagang Hapis ni Lav Diaz (Abril 7-10 )

 

Hele Cinematheque

Kung hindi mo pa tinatanggap ang Hele Challenge o ang panonood ng walong oras na pelikula na ito ni Lav Diaz, may pagkakataon ka pa para gawin ito. Dumayo na sa Cinematheque Manila sa mga araw na ito (Abril 7-10) para mapanood ang obra ni Lav Diaz.

Cinematheque Manila Address:
855 T. M. Kalaw St., Ermita,
Manila, Philippines, 1000    
Tel: +63(2) 256-9948, +63(2) 256-9958,
+63(2) 256-9908, +63(2) 256-8331

2. Cine Filipino sa UP Film Center (Abril 18-23 )

 

12931296_1178989945467880_7413542916561935561_n

Sa mga hindi nakapanood ng mga pelikulang itinanghal sa Cine Filipino noong nakaraang buwan, may pagkakataon pa kayo dahil ipapalabas ang mga ito sa UP Film Center ngayong Abril. Kung magkakaoras ako para dumayo sa Quezon City, ang dalawang pelikulang ito ang gusto kong panoorin :

Ned’s Project 

1934737_210791552626578_7777772048311809517_n

Sakaling Hindi Makarating 11895985_1050410528325823_8385809646839643040_n

  1. Mga Pelikula ni Francis Xavier Pasion sa Cinema 76 ( Abril 3-7 ) 

12928418_256363024708239_7656587544238312601_n

Sunud-sunod ang pagkamatay ng mga direktor ngayong taong ito. Ilang araw lang makalipas ng pagkamatay ni Direk Wenn Deramas, sumunod na pumanaw si Direk Francis dahil rin sa atake sa puso. Si Direk Francis ang batang direktor na nasa likod ng  mga dekalibreng  pelikulang kinilala sa ibang bansa tulad ng Bwaya, Jay at Sampagita. Sa isang araw, maaari mong balikan at panoorin ang mga obra ni Direk Francis. Mag one day Francis Pasion festival na tayo sa Cinema 76.

Ang Cinema 76 ay matatagpuan sa 160 Luna Mencias St. Brgy. Addition Hills, San Juan City.

12800124_240662896278252_4742014482387939689_n

  1. Cinemaralita ( Abril 29 )

1555587_1347839121897739_2985254434449708936_n

Ang Mga Bulong sa Bituka ng Sta. Mesa ni Hector Barretto Calma ay isa sa mga napiling pelikula ng 2015 CineMaralita. Sa mga hindi pa nakapanood, pagkakataon ninyo nang makatunghay ng isang napakaganda, napakahusay at makabuluhang pelikula.

April 29 | UP Cine Adarna | 5:00 and 7:00 pm
Ticket price: Php 150.00 (kasama ang pelikulang, “Ang Mga Alingawngaw sa Panahon ng Pagpapasya”)
Event Page: Hector Barretto Calma’s Alingawngaw X Bulong (UP Cine Adarna Screening)

(teksto mula sa Facebook page ng Cinemaralita : A Film Festival About the Filipino Urban Poor) 

Nanays, pili na kayo ng pang family date, couple’s night o me time sa mga nakalistang event sa itaas. Kitakits sa tabi-tabi! 

2 thoughts on “#BuwanNgPanitikan at Iba pang Huntahan

  1. Maraming Salamat sa listahang Ito. Ako at ang aking nga supling at nagbabalak dumayo rin sa QC Memorial Circle para sa Summer Reading Camp. Sana’y magkatagpo tayo roon.🙂

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s