#KasabihanEveryday: Ikaw, anong motto mo?

Noong uso pa ang slumbook, pinag-iisipan kong maigi ang isasagot ko sa tanong na, “What’s your motto in life?”. Madalas ito ang mga sagot ko :

  1. Try and try until you succeed (until you die kapag gusto kong magpakacorny).
  2. Tell mo who your friends are and I’ll tell you who you are.

Noong mga panahong ito, ‘di hamak na mas gusto kong sagutin ito kaysa “What is love?”. Hirap din kasi akong mambola. Gusto ko tapat at kung maaari nga gets na gets ko ang isinagot kong motto. ‘Yun bang kapag binalikan ko ito pagkatapos ng ilang taon, masasabi kong, sakto ito sa mga karanasan at mga pinapahalagahan ko.

Grow up. Grow with these words. 

Kaya gustong gusto ko itong dedication ni Gng. Neni Sta. Romana-Cruz sa kopya ko ng Philippine Proverbs. Sabi ko kasi sa kanya para sa limang taon gulang kong anak ang aklat. Tama ang tagubilin niya kay Rio : Grow up. Grow with these words.

12380584_10209400034663802_1064275152_n

Si Gng. Neni Sta. Romana-Cruz habang ibinabahagi noong book launching ng Philippine Proverbs ang kanyang pinagdaanan para maisakatuparan ang aklat na ito — mula sa pagpili at paglathala ng koleksyon. 

Hindi kasi basta-basta binabasa ang mga kasabihan. Mas tumatatak at naiintindihan ang mga ito kapag naranasan mo. T’yak na mas maiintindihan ni Rio ang mga kasabihang kinolekta ni Gng. Romana-Cruz sa Philippine Proverbs sa pagtanda niya at pagharap sa maraming pagsubok sa buhay.

Walang kamatayan at dinamiko ang mga kasabihan. 

E baka laos na ang mga kasabihang ‘yan kapag binata na si Rio? Hinding-hindi. Maaaring mag-ibang anyo lang, madagdagan o mas iangkop sa bawat henerasyon pero t’yak na hindi mawawalang saysay ang mga kasabihan.

Bakit ‘kamo? Batay kasi ang mga ito sa karanasan at mga aral na natutunan. Kaya wala itong kamatayan. Malalim ang pinaghuhugutan pero hindi ibig sabihing hindi pwedeng lagyan ng aliw at katatawanan ang mga kasabihan. Masayang basahin  at madali ring intindihin.

Sa Philippine Proverbs, ito ang mga paborito kong kasabihan patungkol sa pag-ibig :

  1. The lips say NO, but the heart says GO.  (Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.(Tagalog))
  2. Every pot has a matching lid. (Walang palayok na walang kasukat na tungtong.(Tagalog))

Pagdating sa pag-ibig, nasa anyo ng mga hugot lines ang mga kasabihan ngayon.

hashtaghugot

Kinuha ang photo sa yugatech.com

  1. Ang love parang bagyo ‘yan, mahirap i-predict. Kahit may pag-asa. (@Pinoy_quotation)
  2. Sana Batibot na lang tayo. Kasi doon, tayo na, tayo na. ( Pinoy Weekly)

Ang saya, lungkot at sakit na dulot ng pagmamahal pareho pa ring naipapahayag sa malikhaing pamamaraan, kasabihan man o hugot line ‘yan.

May mga katapat na bagong bersyon ang ilan sa mga kasabihang kabilang sa koleksyon :

  1. Magbiro ka na sa lasing, ‘Wag lang sa bagong gising.

Bagong bersyon: Magbiro ka na sa lasing, Magbiro ka na sa bagong gising, Huwag lang sa lasing na bagong gising. HANGOVER! (sisacrispinbasilio.blogspot.com)

2. Kung may isinuksok, May madudukot.

Bagong Bersyon : Kapag may isinuksok at walang madukot, May nandukot! (sisacrispinbasilio.blogspot.com)

Hindi rin maiiwasang mabahiran ng mga kaganapan sa pulitika ang mga kasabihan. Magbasa ka lang ng diyaryo araw-araw, makakaisip ka ng sari-saring kasabihan.

Para ngayong panahon ng eleksyon:

images

Sino ang iboboto mo? 

  1. Don’t count your chicks until the eggs are hatched.

Bagong Bersyon:  Huwag bilangin ang boto, hangga’t hindi pa nag-aappoint ng kaalyado. (bulatlat.com)

Para sa mga pulitikong corrupt:

1. Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit.

Bagong Bersyon : Bato-bato sa langit, Ang kongresista ang nagpuslit. (professionalheckler.com)

Para sa mga opisyal ng gobyernong nagbibingi-bingihan, may napiling kasabihan para sa inyo sa Philippine Proverbs:

  1. No one is more deaf than the one who refuses to hear.

12596165_10209400066784605_919534684_n

Sapat na ang ilustrasyon ni Eisen Bernardo. Hindi na kailangan ng paliwanag.

Magandang pampalipas oras din ang pagbabasa ng kasabihan. Pwede itong basahin kung gustong matawa. Pwede rin namang basahin kung gustong matuto at malaman ang saloobin ng mga taong malalapit sa iyo. 

Pwede rin itong basahin at magamit pang-bonding. Promise, subukan niyo. Mas makikilala niyo ang mga kapamilya o kaibigan niyo.

Ganito ang ginawa naming mag-asawa. Umupo sa isang bakeshop. Umorder ng pie at kape. Binuklat ang Philippine Proverbs at nagsimulang magtalakayan.

12910124_10209400031943734_78797207_n

Eto ang mga natiyempuhan naming kasabihan at dahil sinipag ako, nilabas ko ang aking mga brush pens para mag-lettering :

  1. A barking dog seldom bites.

12884600_10209400127426121_1551591509_n

Isang pamamaraan para ilabas ang galit o takot ay sa pamamagitan ng pagsigaw o pagsasalita. 

Naaala ko ang mga siga dito sa komunidad namin. Maingay kapag lasing. Madalas naghahamon pa ng away. Hanggang doon lang sila. Kung nakakamatay ang mga salita, ang dami nang kliyente ng kapitbahay naming punerarya.

2. Do not cut the tree to get the fruit.

12498953_10209400127266117_1424649727_n

Sa negosyo, huwag ubos ubos biyaya. Matutong magtabi o magsubi para may matira para sa iba pang mga gastusin.

Sa pagtatalaga ng mga tauhan sa trabaho, laging mag-iwan ng sanay at kabisado ang pasikut-sikot ng mga gawain.  Huwag hayaang walang taong pamilyar na makakagabay sa mga bagong tauhan.

3. The great danger to a ship is a long period of calm.

12910687_10209400127706128_222289253_n

Dare to struggle, dare to win ang banggit ng asawa ko pagkarinig nito sa kasabihang ito. Mangahas, huwag manahimik. Hindi makakabuti sa isang tao na maburo ang mga kakayahan. Sa paglaon, ang katahimikang ito ang magdadala sa kanya sa higit na kapahamakan.

Di ba enjoy? Ano pang hinihintay niyo? Bili na ng Philippine Proverbs, koleksyon ng mahigit 100 kasabihan na masusing pinili ni Gng. Neni Sta. Romana-Cruz at inilathala ng Tahanan Books.

Mabibili niyo ito sa Tahanan Books. Bisitahin ang kanilang Facebook page o kaya pumunta mismo sa kanilang opisina.

Unit 402, Cityland 3 Condominium

105 V.A. Rufino corner Esteban Street
Legaspi Village, Makati City
Philippines 1229
(+632) 813-7165

Nanays, may paborito ba kayong kasabihan? Gawin nating itong slum-e-book, kahit ngayon lang. Share mo naman sa comment section sa baba ang sagot mo sa tanong na  : “What’s your motto in life?”.

 

 

4 thoughts on “#KasabihanEveryday: Ikaw, anong motto mo?

  1. Any paborito kong ilagay sa slumbook dati ay “Time is Gold.” At hanggang ngayon, iyan lagi ang bukambibig ko sa aking mga anak. Natapos ko Na pala ang Philippine Proverbs at ito ay nasa pangangalaga ng aking isang anak. Babasahin din daw nya.

    Like

    • Hindi ko mapanindigan ang motto na ‘yan. Hehe. Laging on the spot, saved by the bell at last two minutes ang mode ko nang bata pa ako. Ganda ng Philippine Proverbs collection. Classic at timeless. Salamat sa pagbisita, Berlin!

      Liked by 1 person

    • Hi Richelle! E yung sagot mo sa “Who was your first love o kiss?”, baka tanda mo pa. Hehe. Naku, any any lang ang calligraphy ko. Pero pwede tayo mag-calligraphy date if you want. Hanap tayo ng magtuturo sa atin. Hehe. Salamat sa pagdalaw dito.🙂

      Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s