Sulat Kamay ni Nanay

 

IMG_5545

May mga taong sakto ang pangalan sa kanilang personalidad. Silang dalawa bagay na bagay ang pangalan. Nagbibigay ng saya at pag-asa sa mga tao. Excited na akong makita sila sa kampo ng mga kababayan nating Lumad sa Liwasang Bonifacio. #StopLumadKillings #Manilakbayan2015 ( Photo and Text from @nanaystrip IG) Narito ang blog post ko tungkol dito.

Mahilig akong magsulat ng pangalan. Noong nasa elementary ako, reserved ang huling mga pahina ng notebook ko para sa mga lettering at doodles. Minsan pa nga may kasamang FLAMES ang magkakapares na mga pangalan.

Sabi ng iba, vain daw ang mahilig magsulat ng pangalan niya. Gandang-ganda lang sa sariling pangalan. Gusto ko naman ang pangalan ko pero hindi masusukat ang pagka-vain ko sa aspetong ito. Mahilig lang talaga akong magsulat ng kahit ano lalo na ng mga pangalan ng tao.

Malamang nakuha ko ito sa tatay kong mahilig mag-lettering. Panalo ang mga karatula niyang “PULLMAN for SALE, P23.50 only” na naka-display sa patung-patong na tasty bread na binebenta namin tuwing Pasko. Idol ko rin ang ate kong pang-poster making contest ang lettering skills. Mahilig siyang maglagay ng mga tuldok sa dulong bahagi ng mga letra. Style daw yun.

E bakit nga ba ko nagkukuwento tungkol sa mga pangalan?

Nitong taong ito kasi, sinubukan kong mag-lettering at mag-calligraphy pa nga. Nakadalo sa isang workshop at jumoin sa ilang events na may kinalaman sa pagsusulat. Kapag napadaan ka sa Instagram ko, marami-rami rin akong litrato ng mga brush calligraphy attempts ko.

IMG_2693

IMG_2710

Hindi naman talaga bago sa akin ang paglelettering. Sabi ko nga sa kaibigan kong kasama ko rin sa lettering workshop, nasanay akong magsulat sa mga placards at banner noong kolehiyo. “Education is a right”, “No to Tuition Fee Increase!”, “Paglingkuran ang sambayanan!” at napakarami pang ibang slogan.  Kasama ang mga FOA (full of art) kong kaibigang aktibista, pinagpupuyatan namin ang bawat banner at placard na gagamitin sa mga rally.

IMG_2714

Teka, bago pa ko lumawig. E bakit nga ba ko nagkukuwento sa mga pangalan uli?

Gusto ko sana kasing seryosohin ang brush calligraphy sa susunod na taon. Pwedeng pagkakitaan o kaya naman nakadisplay ang sulat kamay ko sa lansangan (exhibit o kaya sa mga placard/tarpaulin/poster din).

Sana maiprint na ang sarili kong sulat/lettering/calligraphy sa mga canvas tote bags at pouches ng aming maliit na family business. May mga personalized pouches na order sa amin ngayong Pasko pero hindi ko pa sulat kamay ang gamit. Sana sa susunod na taon, bida na ang brush calligraphy projects ko sa mga bags at pouches namin.

personalized pouch donna

Pwedeng mag-send ng PM sa FB page ng Maestro Rio Shop kung gusto niyo umorder ng personalized pouches. Your design, Our Tatak! 

Sana magkalakas loob akong mag-submit ng aking sulat kamay sa mga exhibit sa susunod na taon.  Ngayong taon, ieenjoy ko muna ang 3rd Type Kita Exhibit sa darating na Linggo, December 13. Daan din kayo, for more inspiration at makakilala tayo ng mga artistang game na magbahagi ng kanilang mga talento.

IMG_5788-0

Ito na lang ba ang sagot kung bakit ako nagkukuwento tungkol sa pangalan?

Meron pa. Totoo naman, gusto kong magkapangalan o makilala paminsan-minsan na maganda ang sulat kamay ko. Pero gusto ko rin, at mas madalas sana, na mabigyang pansin ang mga ordinaryong taong, walang pangalan, na may kuwento at kabuluhan, sa pamamagitan ng aking sulat kamay.

‘Yun. Malinaw na sa akin. Bukod sa passion, mahalaga may pinaglalaanan at pinagsisilbihan. Para sa mga walang pangalan, ordinaryong mamamayan ang sulat kamay ko. Kung paano ko ito gagawain sa aktwal, ‘yun ang dapat abangan. Pag-iisipan ko muna.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s