Project ABC (Advocacy Blogging for Change) : NGAYON ang tamang panahon ng PAGKILOS #Kentexerye

IMG_3573

Noong Huwebes, ang Institute for Occupational Health and Safety (IOHSAD), kung saan ako kabilang ay tumungo sa Department of Labor and Employment (DOLE) kasama ang mga manggagawa at kapamilya ng mga biktima ng sunog sa Kentex para patuloy na ipanawagan ang katarungan.  Habang bumibiyahe ako papuntang Intramuros, iniisip ko ang magiging laman ng maikling pahayag ng pakikiisa na ibabahagi ko sa programa.

Tsinelas, trabaho, paglaban at tamang panahon. Buti na lang pinagpuyatan ko ang panonood ng ilang episodes ng  #Kalyeserye ng Eat Bulaga sa Youtube noong gabi bago ang pagkilos sa DOLE.  Naisip ko tuloy, isang masalimuot at mahaba-habang #Kentexerye na rin ang pinagdadaanan ng mga manggagawa at kanilang pamilya mula nang maganap ang sunog noong Mayo 13.

Ang sikat na sikat na Kalyeserye ng Eat Bulaga

Ang mga bida sa sikat na sikat na Kalyeserye ng Eat Bulaga

Heto ang natatandaan ko sa maikling pahayag ko sa programa sa DOLE ( may kaunting idinagdag na rin ako  ):

Magandang umaga po sa lahat lalo na sa mga kaanak at manggagawa ng Kentex na patuloy na kumikolos para sa katarungan at kaligtasan sa lugar-paggawa.

Sa loob ng tatlong buwan dinala na tayo ng ating mga sapatos at tsinelas sa maraming lugar para iparating ang ating panawagan para sa katarungan.  Ilang ulit na tayong nagtungo sa gate ng pabrika ng Kentex, sa mga komunidad ng kapwa nating mga manggagawa at sa mga ahensya ng gobyerno para iparating ang ating mga kahilingan at panawagan para sa katarungan. Maging ang SONA ni Pnoy ay hindi natin pinalampas at nakimartsa tayo para malaman ng sambayanan na hanggang ngayon hindi pa rin natin nakakamit ang katarungan.

10653285_1120710667946166_9218202370464135585_n

Sa dami ng ating pinagdaaanan, daig na daig ng ating #Kentexerye ang sikat na sikat ngayong #Kalyeserye. Kung hindi pa nagkikita sina Alden at Yaya Dub, hindi pa rin natin nakukuha ang inaasam nating katarungan.

Nasaan ang katarungan?

Noong Agosto 5, dinala po tayo ng ating paglaban para sa katarungan at ligtas na paggawa sa Kongreso. Aprubado na ng Committee on Labor and Employment ng Kongreso ang substitute bill na naglalaman ng mahahalagang puntos ng ating sinusuportahang bill na Worker’s SHIELD (Safety and Health Inspection and Employer’s Liability Decree) na ipinasa ng  Gabriela Women’s Partylist noong Hunyo 2014 sa ika-16 na Kongreso. Pasado ang (1) mandatory inspection na dapat isagawa ng Labor Department sa lahat ng mga kumpanya, anuman ang laki at tipo ng operasyon, bawal ang pagsasagawa ng self-inspection at kahit anong employer-discretion based na inspeksyon; (2) mas mataas na parusa (multa at pagkakakulong) sa mga may-ari ng  kumpanyang mapapatunayang lumabag sa mga batas ng OHS.

Isa itong positibong hakbang na resulta ng ating tuluy-tuloy na pagkilos at paglaban. Mahaba pa ang lalakbayin ng substitute bill na ito bago maging isang batas.  Isasalang pa sa plenaryo ng Kongreso at Senado bago makarating sa Malacanang. Alam nating hindi ito ang tanging sagot para matiyak ang kaligtasan sa loob ng ating mga lugar-paggawa. Lalong hindi dapat tayo tumigil sa pagkilos hangga’t hindi napapanagot ang dapat managot.

Nasaan na ang katarungan?

Hindi pa nananagot ang Department of Labor, ang ahensyang may pangunahing responsibilidad sa pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa, sa naganap sa Kentex. Ano na ang nangyari sa mga opisyales ng Labor Department na direktang sangkot sa pagbibigay ng certificate of compliance sa Kentex para sa general labor at OHS standards noong September 2014, walong buwan bago naganap ang sunog sa Kentex. Wala pa sa kanila ang napaparusahan sa malaking kapabayaang nagresulta sa trahedyang ikinamatay ng napakaraming manggagawa.

Kinakanta ng isang batang nangungulila sa kanyang amang nasawi sa sunog ang

Kinakanta ng isang batang nangungulila sa kanyang amang nasawi sa sunog ang “Dance with my Father Again” ( Tagalog version) noong unang buwan ng paggunita sa mga namatay sa sunog sa Kentex

Nasaan na nga ba ang katarungan?

Ayon sa datos ng gobyerno, 46,665 na occupational accidents ang naitala noong 2011 aat 20,635 dito ay nagresulta ng occupational injuries with workdays lost.  Sa panahon ng panunungkulan ni PNoy, naganap ang mga di-malilimutang trahedya sa lugar-paggawa : pagbagsak ng gondola sa Eton Residences na ikinamatay ng 10 construction workers, pagkasunog ng 17 mangggagawa sa Novo department store sa Butuan at ang pagkamatay ng mahigit 74 manggagawa sa isa sa pinakamalalang  sunog sa pagawaan na naitala sa kasaysayan ng bansa.

Wala kahit isang may-ari ng kumpanyang nagpabaya sa kaligtasan ng mga manggagawa ang nakulong o naparusahan.

11391787_603103799792308_2154212056416398963_n

Inspirasyon din talaga ang hatid ng #Kalyeserye ng tambalang AlDub. Tatanggapin ni Alden ang lahat ng hamon ni Lola Nidora para lang ipaglaban ang pag-ibig nila ni Yaya Dub. Ganyan din tayo. Mapudpod man ang mga suwelas ng ating mga sapatos at tsinelas, hindi tayo titigil sa pagmartsa at pagkilos hangga’t hindi natin nakakamit ang katarungan, ligtas at makataong kundisyon sa paggawa para sa lahat ng manggagawang Pilipino.

Kasi naman, naniniwala tayo sa motto ng AlDub : sa tamang panahon. Para sa atin NGAYON ang tamang panahon ng PAGLABAN at PAGKILOS para sa katarungan at karapatan ng mga manggagawa.  

IMG_4465

Tulad sa #Kalyeserye, kung saan may warrant of arrest si Lola Nidora dahil sa pagpapadukot kay Alden, sa #Kentexerye, wanted din si Sec. Baldoz dahil sa kanyang kapabayaan sa kaligtasan ng mga manggagawa sa trabaho.

Nanays, narito ang mga link kung nais niyong balikan ang mga nangyari sa #Kentexerye. Paki-like din ang Facebook page ng Justice for Kentex Workers Alliance bilang suporta sa patuloy na pagkilos natin para sa katarungan at ligtas na trabaho para sa lahat.

Narito ang resulta ng isinigawa naming Fact Finding Mission isang araw matapos ang sunog sa pabrika ng Kentex. Ang IOHSAD ay naglabas din ng pahayag sa naganap na trahedya sa pagawaan.

Ang international news agency na The Guardian ay nagsulat din ng isang feature story tungkol sa naganap na sunog sa Kentex. Maaaring bisitahin ang FB page ng Justice for Kentex Workers Alliance para sa iba pang mga news articles at updates.

Nanay’s Trip presents Project ABC Series where I will write about my advocacies and the steps I plan to take in fulfilling my blog’s mission :

“My mission is to share stories that will inspire mothers (my readers in general) to explore new passions and make a difference in society through simple and meaningful deeds. I want to share my thoughts on relevant issues that affect mothers/parents/families and how to encourage them to engage and be part in finding resolutions. I look at motherhood not as work or life stage that confines you to taking care of the home and your family but a great opportunity to engage in efforts that will build a better future for our children and future generations.”

7 thoughts on “Project ABC (Advocacy Blogging for Change) : NGAYON ang tamang panahon ng PAGKILOS #Kentexerye

  1. It’s really frustrating to know that those who are doing the most work suffer more. I do hope and pray that justice will be served and situations like this won’t happen again.

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s