Ang aking Tatlong UNA para sa 2015

Isang pahina sa The Daykeeper 2015

Isang pahina sa The Daykeeper 2015

1) Unang beses ko ito muling magsusulat gamit ang wikang Filipino mula nang magsimula akong mag-blog noong 2011. May ilang blog post (Project : AKLAT) din naman akong naisulat sa Filipino pero iba ngayon. Naisip ko kasing gawing salitan na ang paggamit ng wikang Ingles at Filipino dito sa blog.

Nais kong isiping, bahagi ang pagbabagong ito sa #BraveBlogging goals ko. Sa tingin ko, magiging mas mabilis at madali kong maipapahayag ang mga pagtingin ko sa maraming bagay gamit ang wikang Filipino. Sa isang banda, nagiging mas matapang at bukas ka rin kung alam mong mas kaya mong maipaliwanag ang iyong sarili sa mga mambabasa.

Isa lang ang wish ko kasabay ng pagbabagong ito. Hindi lang pala isa, dalawa ang wish ko. Una, basahin niyo pa rin ang mga sinusulat ko kahit nasa wikang Filipino ang mga ito. Ikalawa, makapagsulat pa rin naman ako sa wikang Ingles.

2) Nasulatan ko na ang 2015 planner at journal ko sa unang pagkakataon!

10913162_10205996731503350_402319286_n

Sa totoo lang, takot na takot ako sa tuwing papasok ang bagong taon at kinakailangan ko nang sulatan ang bago kong planner. May paniwala kasi akong kapag pangit ang sulat mo sa unang mga pahina ng notebook, tuluy-tuloy na ito. Mahihirapan ka nang bumawi pa.

May pagka-walang kuwenta man ang paniwala kong ito, medyo nagamit ko rin naman ito para umayos-ayos ang unang mga entri sa bagong planner ko. Ibang level ang ayos na kailangan ko sa taong ito dahil unang beses ako gagamit ng the daykeeper para itala ang mga ganap sa buhay ko ngayong 2015.

10899810_10205996734663429_321956975_n

Nakakailang magsulat sa simula sa makinis na papel ng the daykeeper. Parang hindi katanggap-tanggap ang magkamali at pangit ang sulat sa planner na ito. Pero habang tumatagal (naks! Parang 2 linggo ko pa lang naman ito sinusulatan), mas gumaganda ang dating kapag mas ispontanyo at hindi masyadong makinis ang pagsusulat dito. Hindi naman kasi laging perfect ang araw natin. Okay lang na marumihan ang mga pahina, mas totoo ito kaya mas damang-dama ang bawat salita.

3) Bonifacio: Ang Unang Pangulo ang unang pelikulang pinanood naming mag-asawa ngayong taong ito.
Makabuluhan at matapang ang pelikulang ito na pinagbibidahan ni Robin Padilla bilang si Andres Bonifacio. Kilalang action star si Robin, Bad Boy of Philippine Cinema pa nga ang bansag sa kanya, kaya sanay ang tao na gumaganap siyang matapang sa kanyang mga pelikula.

10005854_736210973130680_4009337958222728512_o

Sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo, hindi si Bad Boy o ang walang pinagbagong pag-arte niya ang tumatak sa manonood. Ang nais ikuwento kasi ng pelikula ang mismong MATAPANG. Sa malamang, bago sa marami ang mga kuwentong ito: 1) na si Bonifacio ang unang pangulo at hindi si Aguinaldo; 2) na naging taksil sa himagsikan si Aguinaldo at siya pang nag-utos na dakpin si Bonifacio.

Hindi ko susubukang irebyu nang todo ang pelikula. Kaya ko ito isinama sa listahan dahil gusto kong maging tulad ng unang pelikula napanood ko ang mga ikukuwento ko sa aking blog ngayong taong ito : MAKABULUHAN at MATAPANG.

Kung gusto niyo palang makabasa ng totoong rebyu sa pelikulang Bonifacio: Ang Unang Pangulo, i-click lang ang mga link sa ibaba:

http://entertainment.inquirer.net/160005/a-review-of-bonifacio-ang-unang-pangulo

http://radulce.wordpress.com/2015/01/03/review-bonifacio-ang-unang-pangulo/

https://kapirasongkritika.wordpress.com/2015/01/01/hindi-pa-tapos/

Hindi na ito kasali sa listahan. Ang aming unang family selfie ngayong 2015. Isang makabuluhang bagong taon sa ating lahat!

10899752_10205996739903560_482866589_n

 

13 thoughts on “Ang aking Tatlong UNA para sa 2015

  1. Sadyang napakaganda ng iyong panimula para sa 2015, Nanay Nadia. Nawa’y patuloy na maging maganda ito kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Kasama na ako doon di ba? hehe..At syempre babasahin ko pa din ang iyong blog, tagalog o ingles man. Hanggang sa muli nating pagkikita😀

    Like

  2. Ang iyong pag-blog ukol sa mga isyu ng ating bansa ay patunay ng iyong tapang. Ganun din ang nararamdaman ko ukol sa pagsulat sa bagong bagong planner o notebook.🙂 Happy new year sa iyo!

    Like

  3. bakit hindi? kung tutuusin ay mas mahirap pa mag pahayag ng damdamin sa wikang tagalog, madalas akong mawalan ng salita na nais ipahayag… magaling magaling kaibigan!

    Like

  4. Napakaganda ng iyong planner at ng iyong penmanship, Nadia! Ano nga ba ang penmanship sa Filipino? Ah, sulat-kamay pala. Gaya mo, takot din akong magsulat sa planner sa unang pagkakataon sa takot na magkamali ako sa pagsulat ng aking pangalan!

    Like

  5. Sasagot sana ako sa wikang Ingles pero lahat ng nag-reply ay gumamit ng Filipino :)) Mas magiging makabuluhan kung ika’y magsusulat gamit ang salitang mas sanay ka gamitin🙂

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s