My Breastfeeding Journey ( Rio @ 21 months)

Gaano kadalas?

Twice a day.

Our standard breastfeeding sessions are early mornings ( a few hours or minutes before Rio wakes up) and bedtime. Ganyan kapag wala ako nang  buong araw sa bahay. Madadagdagan naman ng isang session, before his afternoon nap kapag nasa bahay lang ako.

In between our breastfeeding sessions,umiinom na si Rio ng fresh milk. Madalas 2 karton ng fresh milk ang nauubos niya, isa sa breakfast at merienda sa hapon.

Kapag nasa labas kaming mag-ina, minsan inaabutan pa rin kami ng “dede moments” na hindi kayang ma-delay. Minsan nakukuha pa naming umatak sa breastfeeding station pero mas madalas taas t-shirt na lang si nanay sa isang tabi, sa loob ng taxi o sa likod ng room habang nagsasayaw ang lahat sa isang Kindermusik class!

Gaano karami?

Hindi ko alam. Malamang sakto lang ang gatas ko sa dinedemand ni Rio.

Tumigil na kasi akong mag-pump. Hindi ko na rin nararamdaman yung  “full breast moments” tulad noon. Minsan, kapag natitiyempuhan namin ni Rio, bigla na lang “Wait lang anak, check muna natin milk ni nanay.” Titigil muna siya, pipisilin ko ang dede ko, sisirit ang gatas, okay na. Go lang anak, may gatas pa nga talaga si nanay.

Gaano pa katagal?

Our plan : Hanggang mag-2 years old si Rio.

Kung mag-stick kami sa plan, tigil-dede na sa Mayo. Ibig sabihin, halos 3 buwan na lang yun simula ngayon.  Prepare to wean na dapat ang drama namin ngayon. May mga nabasa/narinig akong nilagyan ng bawang ang dede, nilagyan ng food coloring ang dede at kung anu-ano pang strategy na makakapagpatigil sa anak na dumede. Ano kaya ang effective sa aming mag-ina? Hindi pa rin kasi kami successful dun sa yakap at haplos na lang ang pampatulog, kailangan dede pa rin.

Any weaning tips? Share naman.

Gaano kasaya?

Hindi masukat ang saya ko/ naming mag-asawa sa inabot namin sa breastfeeding.

Bukod sa nakatipid kami sa paggastos sa formula, nakaiwas sa puyatan blues para magtimpla ng gatas, healthy and strong Rio ang da best gift ng breastfeeding sa amin.

Kaya naman gusto kong i-share ang breastfeeding journey ko hindi lang sa pamamagitan ng blog na ito. Plano ko ring kumuha ng classes on breastfeeding at kung kakayanin maging breastfeeding peer counselor na rin. ( If you want to be a BF peer counselor, check this link from Chronicles of a Nursing Mom). Isa ito sa mga nakalista sa Project2013 ko. Sana magtagumpay ako at makatulong sa mga kaibigan, kamag-anak at nanay sa mga komunidad na balak mag-breastfeed.

5 thoughts on “My Breastfeeding Journey ( Rio @ 21 months)

  1. Gusto ko din maging breastfeeding counselor! Nagsisi ako ngayon kasi nung pinanganak ko si baby, nagformula na agad kame kasi parang walang lumalabas na milk. Ngayon mix pa din ako pero tinatry ko na magpadami ng gatas para exclusive na. Congrats nga pala sayo! Nainspire ako🙂

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s