Nanaystrip sa Takilya : Les Miserables

Luho as in luxury ang panonood ng sine ngayon. Hindi biro ang minimum na P500 na ilalabas mo para sa isang pelikula. ( Bakit P500? -> P200 X 2 persons + P100 na super tipid snacks! ) Kaya bonggang deliberations with tataystrip ang panonood ng sine – parang major decision in life ang dating. Worth the gastos ba ang pelikulang ‘yan? Baka sayang lang oras natin? Bukod kasi sa gastos, dapat ding iskedyul ang request kay Lola E para makasama ni Rio habang may movie date ang mga magulang niya.

Luho na, luha pa!

Luho na kung luho.  Pinanood pa rin namin ang Les Miserables. At panalo ang “major decision” na ito. Pa-join na lang kasi ako sa Les Mis mode. Wala na akong gaanong natatandaan sa istorya nito bukod kay Jean Valjean na nakulong dahil nagnakaw ng tinapay, naging mayor at hinahanap forever ni Javert. Tanda ko rin siyempre ang On my Own at I Dreamed A Dream pero hindi na malinaw sa akin ang lugar ng mga kantang ito sa kuwento.

Luha kung luha si nanaystrip. May K nga si Anne Hathaway na magtaray sa interbyu ni Ricky Lo. “Ang galing galing kong Fantine tapos ganito lang ang mga tanong mo sa akin?” Tanong nga lang ng tatay ni Rio paglabas namin ng sine, “Take one lang kaya yung eksena ni Anne Hathaway?” Malamang. Ang hirap ulit-ulitin ng sobrang intense na emosyong ganun.

Sarap naman kalmutin ala-Wolverine ni  Jean Valjean! Nakikita mo sa mukha niya ang galit at hirap na nararanasan ng lahat ng api noong panahong iyon. Dama mo rin ang tindi ng pagmamahal niya bilang ama-amahan ni Cosette. No more Wolverine films for Hugh Jackman at more musicals for him  please!

Pero ang pinakapaborito ko sa movie version ay si Gavroche. Ang matapang na batang kasama ng mga youth revolutionaries sa barikada. Hindi ko alam kung bakit naaalala ko si Rio kay Gavroche. Puwedeng dahil wish kong maging singer si Rio. Pero mas posible pang dahilan ang gusto kong lumaking street smart, matapang at mapagmahal sa kapwa at bayan si Rio.

Ang batang gumanap bilang Gavroche sa 2012 movie version ng Les Miserables(photo: http://lesmiserables.wikia.com/wiki/Gavroche_Th%C3%A9nardier)

Ang batang gumanap bilang Gavroche sa 2012 movie version 
(http://lesmiserables.wikia.com/wiki/Gavroche_Th%C3%A9nardier)

Isa lang ang naisip ko paglabas ng sinehan. Hindi ko na hihintaying mag-hayskul at maging book review project ni Rio ang Les Miserables. Ipakikilala ko na sa kanya nang maaga sina Jean Valjean, Fantine, Gavroche at ang kantang “Do you hear the people sing?”

One thought on “Nanaystrip sa Takilya : Les Miserables

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s