You’ve Got A Friend In Me

A few days ago, Rio and I dropped by his ninang derma’s clinic in Manila. We were there to pick up her Christmas gift for Rio. At dahil kasingdalang kong magpafacial kung kami’y magkita , parang naipong whiteheads ang mga chikang tiniris namin nang gabing yun.

Isa sa mga napag-usapan namin ito: Is it possible to gain new friends at our age? We’re turning 37 this year at naisip ko lang kung bet pa ba magkaroon ng mga bagong kaibigan o ingatan na lang kung sinong mga nariyan na?

Isang matunog at walang dudang OO ang sagot ng kumare ko. “Bakit naman hindi?” ” Why not, chocnut?” We can still meet new friends especially in our new endeavors in life. Sila yung makakasama natin sa mga new events ng buhay natin.

Tumpak ka naman dun mars! Bigla ko tuloy naalala ang mga mommy bloggers na nababasa ko. Kahit marami sa kanila ang hindi ko pa nakikita at sa twitter o blogs ko lang nakakausap, I already consider them as friends. Kung mabibigyan pa nga ng pagkakataon puwede pa rin namang maging super friends.

Bakit para namang umoover ang optimismo ko? Super friends agad-agad?

May isa kasing nagtatahi sa amin — at yun ang pagiging nanay. Kaya kahit hindi ko pa na-meet in person sina YoungMomLove, Touring Kitty, TrulyRichMom, I already consider them friends.

Mommy Chesca (YoungMomLove) was there when I was struggling to continue my Nanaystrip blog. Lagi ko rin siya kakuwentuhan sa twitter! Mommy Em’s (Touring Kitty)breastfeeding stories in her blog helped me in my own journey with Rio. We also have the same birthday! We’re still working on Mommy Tina’s (TrulyRichMom) suggested activities for toddlers. She was so kind to answer my question on twitter with an email complete with very useful links that we can read.

Marami pa akong binabasang momblogs. Pero I consider the three moms above as my online BFF’s ( blogger friends forever ,for now). Kasama sa project 2013 list ko ang makilala at makachika sila in person. Sana very soon!

Just remember : Gain new friends but keep the old ones. Treasure them all.

20130120-030044.jpg

20130120-030206.jpg

Watching Toy Story at home zillion times also inspired me to write this post. Thanks to Rio’s new friends : Buzz and Woody!

One thought on “You’ve Got A Friend In Me

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s