Rio Loco : PORORO

Rio Loco : Mga kuwento tungkol sa mga bagay, salita, palabas at kung anu-ano pang kinalolokohan ni Rio. 

Rio Loves PORORO!

Nauna niyang (namin pala!) minahal si Pororo. Ang penguin na ito yata ang nagdala sa amin sa Disney Junior. Hindi ko na saktong tanda kung paano kami napadpad kay Pororo. Malamang sinearch ko si Pororo sa youtube at paulit-ulit na naming pinanood ni Rio ang opening theme song nito.

Nag-download na kami ng kung anu-anong Pororo phone app : Talking Pororo at Pororo Flashcards. Nakatulong din ang flashcards para sa pag-identify ni Rio sa ilang mga bagay. Kagandahan sa flashcards ni Pororo, hindi naka-drawing ang mga bagay. As in real images ang ginagamit kaya mas nakakarelate ang bata lalo na kung makikita rin ang mga ito sa kanyang paligid. Example : refrigerator, telephone, television, computer at iba pa.

Image<
Gusto ko rin ang konsepto ng friendship nina Pororo at ng kanyang mga kaibigan. Hindi panatag ang relasyon ng magkakaibigang ito! Madalas silang may conflict dahil ika nga ng isang kanta nilang “Good Friends” na favorite namin “…with different faces and personalities, inspite of the quarrels and misunderstandings… we are all good friends!” Winner di ba?

Ang setting o kung saan nakatira ang magkakaibigan at nagaganap ang lahat ng kuwento. ang tanging worry ko sa pagkahumaling ni Rio sa penguing ito. Mga marz, sa isang “snow-covered wonderland” nakatira si Pororo at wala lang naman nito sa Pinas!

Sa pagkakaalam ko Korean cartoon character itong sina Pororo and Friends kaya ganoon na lang ang setting. Kahit nga ang binili naming sale na Pororo toy ay skiing ang hobby! Siguro paraan na lang ito para ipaliwanag kay Rio ang iba’t ibang seasons at bakit iba-iba rin ang weather sa mga bansa.

 

Ox ba itong pang-profile pic ni Pororo? Kuha ni nanaystrip.

Ox ba itong pang-profile pic ni Pororo? Kuha ni nanaystrip.

IMG_0606

Hindi natin alam hanggang kailan mamahalin ni Rio si Pororo. Kailan kaya mapapalitan si Pororo bilang Rio’s favorite toy? Basta kami ng tatay ni Rio nagkakatinginan na lang kapag may isa sa aming sisigaw ng “Rio,patayin mo na si Pororo! Pagod na yan sa kakaikot!Sayang ang baterya!”

Next toy please!

One thought on “Rio Loco : PORORO

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s