Playing and Learning Together

Toxic in a light and happy kinda way ang first week namin ni Rio. Gusto ko tuloy maniwala sa sinasabi ng iba (sino ba yang iba na yan,hehe), na kung paano mo sinimulan ang bagong taon, magiging ganoon din halos ang itsura ng buong taon mo. So ibig sabihin nito, toxic in a light and happy kinda way ang 2013 namin? I-push na ‘yan!

Project Kindermusik (KM)

For sure,magiging busy ang Saturdays ni Rio hanggang May. Finally, we had the time, resolve and money (super salamat sa winner na pamasko ni Tita Ninang O!!) to enrol Rio in Kindermusik. Excited na kami sa first class niya this month.

Last Saturday, we attended Teacher Jeannie’s free trial class. Usapan naming mag-asawa na kung hindi bet and reaction ni Rio sa trial class maghahanap na lang kami ng ibang paglalagakan ng pamasko ni Tita Ninang O. But no, ibang level ang response ni Rio sa mga activities. Parang sinasabi niya sa amin, huwag na kayong magpatumpik-tumpik pa, join na tayo dito Nanay at Tatay!

Bounce! Bounce! Rio loved the bouncing ball and the puppy headband too!

Bounce! Bounce! Rio loved the bouncing ball and the puppy headband too!

Enjoy din si Nanay o!

Enjoy din si Nanay o!


Tingin ko, swak pa rin sa simple pero rakenrol na tema namin para sa 2013 ang Kindermusik adventure namin ni Rio. KM shows us that simple and basic activities like clapping, tapping the floor, walking, running, swaying, rolling over and dancing TOGETHER are effective ways to interact and bond with your growing child.

Isa pang natutunan ko : iba pa rin talaga yung impact ng listening to music and creating different movements along with it. Kaya hindi pasado ang usual bedtime moment namin ni Rio : manonood ng Twinkle, Twinkle Little Star sa youtube habang kinakanta ko rin ito sa kanya. Nahehele naman siya nito pero mas malaki ang posibilidad na nasa video (visuals) ang focus ni Rio.

I am guilty of exposing Rio to TV and gadgets at an early age. Right now, he adores Pocoyo, Pororo and Mickey Mouse. Pinapanood na sa TV, nilalaro pa sa gaheto! Nakakatuwa rin namang makitang sumasayaw si Rio ng hotdog dance kasabay nina Mickey Mouse pero afraid pa rin ako sa sinasabing posibleng side effects nito sa bata.

Going Back to the Basics

Ibang klaseng high ang nakuha naming mag-ina sa pag-tap sa totoong drums at pagpapatunog ng mga wooden sticks. Biglang gusto kong i-delete ang mga apps sa iPad na may drums, xylophone, piano. Get the real thing, nanay! Kung mahal at wala pang pambili, mag-DIY! Improvise drums o iba pang siple musical instruments for your kids to enjoy.

Letting go of those iPad apps and shifting to the real stuff may give more space to Rio’s developing imagination and creativity. Binibigay na kasi lahat ng mga gahetong ito ang kailangan ng mga bata. Malala pa, nakukuha nila ang lahat sa mabilis at madiling paraan. Kahit sa mga nanay,abot-kamay na lang ang mga bagay. Bakit pa gagawa ng flash cards kung may iPad apps naman na magtuturo ng ABC sa mga bata? Swipe, swipe lang keri na!

Sa tingin ko, alalay lang ang mga gaheto. Dapat malaking bahagi pa rin ng pagtuturo sa mga anak ay nanggagaling sa paglalaro at pag-aaral natin kasama sila.

IMG_0630

I can’t wait to share our next KM bonding moments. I’m even more excited to share how Rio and I practice what we learn outside the KM playroom. Looking forward to more dancing time and less gadget/TV time for our dear Rio.

Isang malaking good luck sa aming mag-ina!

2 thoughts on “Playing and Learning Together

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s