Kumusta na? Paano na? ( Rio at 18 months)

“How are you?” muna bago ang  mga “How to?” posts ko ngayong buwan.

Itinigil ko na ang monthly pasabog ni Rio dito sa blog ko nang mag-1 year old na siya. Kaya marami-rami na ring milestones ni Rio ang hindi ko nakarir i-celebrate dito sa blog.

Kailan na nga ba nagsimulang mabaliw si Rio sa mga Koreanong sina : Tayo the Little Bus, Chiro at Pororo? Paano nalaman ni Rio ang parts of the face? Hindi ko man lang na-video si Rio habang ganadong sumasayaw kasabay ang Hi5 sa TV.

Ako ang excited sa Hi5 Concert in Manila sa December! Wish namin free concert ‘to! Asa pa!

Kumusta na nga ba si Rio ?

  1. Solid breastfeeding pa rin kami at 18 months.

Sa umaga bago gumising at gabi bago matulog ang breastfeeding sessions naming mag-ina. Minsan kapag nasa bahay ako o kasama ko siya sa opis, nakakapagbreastfeed pa rin kami sa hapon at kung kailan niya maisipang itaas ang tshirt ko.

Ang main source of nutrition talaga ni Rio ngayon ay ang : 1) pandesal sa almusal; 2) full rice meals sa lunch at dinner ; at 3) merienda sa hapon. Paborito niya ang mga ulam na magulay at masabaw – tinolang manok, sinigang na hipon/isda/baboy at ang walang kupas na law-oy!

Nanaystrip’s Teach Me How To Challenge :  Weaning time, kailan at paano?  Fresh milk for Rio, kelan at anong brand?

Big boy na si Rio!

 

  1. “Ganyan pa lang nasasabi ni Rio?”

Hay, eto ang forever na comment ng Ate ko tuwing sumasagot si Rio ng “Na-na!” kapag tinatanong ko siya ng “Sinong love mo?”

Marami-rami na ring syllables ang nasasabi ni Rio bukod sa Na-na. Tinatawag na niyang Ta-ta! ang tatay niya, La-la naman ang mga lola niya. Bukod dito nasasabi na rin niya ang  ma-ma, pa-pa, ba at ya-ya! Mas madalas kailangan pa siyang tanungin at i-motivate para magsalita. Minsan naman kapag nagagalit o nae-excite siya, kusa siyang nagsasalita ng kung anuman na hindi namin naiintindihan.

Nanaystrip’s Teach Me How To Challenge :  Learn more words. Identify more objects.

Asan si Rio? “Ba!”

  1. Gaheto at dede ang pampatulog ni Rio.

Noong baby pa siya, youtube videos ang pampatulog namin : Twinkle Twinkle Little Star o kaya ABC at Animal Sounds. Hanggang pati mga OPM songs tulad ng theme song ng mga teleseryeng Princess and  I at Walang Hanggan pinapakinggan na rin namin. Siyempre pa, mas epektib na pampatulog kapag sinasabayan ng pangmalakasang boses ng Nanay.

Mula nang matutong mag-swipe sa gaheto si Rio, minsan mga game apps na ang nagpapaantok sa kanya. Kapag nagsawa, hahanapin na ang dede ko hanggang sa makatulog.

Playtime with blocks and rings is better than all those iPad apps!

Nanaystrip’s Teach Me How To Challenge : More reading time, less gadget time.  Start reading bedtime stories.

Mahabang Pahabol : 

Patapos na ang October at ikalawang post ko pa lang ito. Anyare? Malamang sa sure na sure na, maeextend ang Teach Me How To theme ko hanggang  November. Ayos din para makarir ko ang mga Nanaystrip Teach Me How To Challenges na nailista ko rito. Good luck!

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s