Nanaystrip sa Takilya : The Mistress

Isa sa mga nakaengganyo sa aking pilitin ang tatay ni Rio na panoorin ang “The Mistress” ay ang ang mga comments tungkol sa ending nito. Non-traditional at kakaiba daw ito sabi ng mga artistang ininterbyu pagkatapos manood ng pelikula.

Sa unang eksena pa lang hinuhulaan ko na kung ano nga kaya talaga ang ending. Kaya naman nang narinig ko ang linya ni Sari (Bea Alonzo) na “Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo,” gets ko na!

Sa totoo lang, mas maraming mga detalye sa pelikula ang mas kaabang-abang. Isa na rito ang proseso ng pagkilala ni JD ( John Lloyd) sa karakter ni Sari. Kasabay nito ang proseso ng pagbasag sa mga manonood ng stereotype na kabit ngunit muling bubuuin at siyang tatatak sa bandang huli.

Ano nga ba ang stereotype na kabit na madalas ipakita sa mga pelikulang Pilipino? Puno ng kolorete, flashy outfits, maluho (bilmoko girl), walang disenteng trabaho’t puro asa sa lalaki.

Kabaliktaran ng lahat ng iyan si Sari. Kapag hindi sila magkasama ni Rico Torres (Ronaldo Valdez) halos wala siyang make up, simple lang manamit (beige,white o brown lang ang kulay ng mga blouse nito), may marangal na trabaho, hindi nagpapabili ng kung anu-ano at tumatanggi pa nga kapag may iniaalok na tulong si Rico.

Sa proseso,maiiba ang tingin ni JD kay Sari at ng mga manonood sa kabit/querida/kulasisi/number#2. Mahuhulog pa nga ang loob ni JD kay Sari at ang mga manonood may mararamdamang pagmamahal at pag-unawa sa mga tulad ni Sari.

Maaaring maiba ang pagtingin sa mga kabit pero sa esensya siya pa rin ang biktima. Kaya sa huli, mas titimo sa mga manonood ito : ang kabit ay mananatiling itinatago, inaabuso, walang kontrol at ang lalaki pa rin ang mapagpasya sa relasyon.

Hindi totoong mahal ni Rico si Sari. Kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng Huwebes na pinagsaluhan nila, hindi pa rin pagmamahal ang ibinigay nito kay Sari. Sa puntong mangangatuwiran na si Sari at handa nang kumalas sa relasyon nila ibubulalas niya ito nang malinaw “wala kang karapatang magsalita dahil querida lang kita” at “i don’t want to share you with another man”.

Hindi rin totoong mahal ni JD si Sari. Bakit? Kasi nakumbinsi na rin siya ni Sari na hindi lahat ng gusto mo, nakukuha mo. Kapag totoong mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para magkasama kayo, di ba?

Pero ang mga manonood tiyak minahal si Sari at si Bea Alonzo sa pelikulang ito. Matatandaan si Sari bilang mapagmahal na apo,anak at kapatid. Matatag at matapang na babaeng hinarap ang mga pagsubok at kahirapan sa buhay. Matatandaan naman si Bea sa kanyang mahusay na pagganap at siyempre pa dahil napakaganda lang talaga niya sa buong pelikula.

“Siyempre gusto ko sina John Lloyd at Bea ang magkakatuluyan sa huli,” fearless forecast ng nanay ko sa ending ng pelikula. Gusto ko sanang sumabat at sabihing : Nay, hindi lahat ng gusto niyo,makukuha niyo.

20120920-013728.jpg

3 thoughts on “Nanaystrip sa Takilya : The Mistress

  1. harhar, tama hindi lahat ng gusto makukuha…kapag nagpumilit masasaktan lalo at makakasakit. Hindi ko pa napapanood yung movie pero lalo akong naeengganyo sa mga nababasa kong review….waaahhh….panonoorin ko talaga ‘to!🙂

    Like

    • hi mirrorprincess! napanood mo na? ang correct dialogue nga pala ay eto “hindi dahil gusto mo, makukuha mo.” gusto ko ring mabasa ang views mo sa ending ng pelikula.share mo ha!

      Like

      • hindi ko pa napapanood!!! waaaah!!!!…may bago pa yung “Secret Affair” ba yun? harhar…ang mga linyang matataray ang hinihintay ko dun eh😉

        Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s