Simple Tips for a Sulit and Happy 2012 Manila International Book Fair Experience

Yes! Nakapagbook fair kami! Not once,but twice!

Buti na lang at nag-volunteer akong bumili ng mga workbooks na kailangan para sa daycare na pinapatakbo namin sa Happyland, Tondo. Nabili ko na ang mga books na nasa listahan ni Teacher Nanette,nakalibot pa kami at nakaiskor ng books para sa akin,kay tatay at Rio.

May ilang tips ako para maging mas masaya’t sulit ang bisita ninyo sa next Manila International Book Fair o puwede pa kayo humabol bukas sa huling araw nito sa SMX Convention Center sa MOA.

1. Maglista na ng mga librong hahanapin at balak bilhin. Kapag wala kang listahan, malulula ka talaga sa dami ng libro! Kapag napapaligiran ka ng mga libro, mahirap mag-decide kung anong uunahin mong bilhin.

2. Mag-book fair para bumili at hindi mag-window book shopping. Sa ordinaryong araw mo na lang gawin ang mag-ubos ng oras habang patingin-tingin ng mga libro sa Fully Booked,Powerbooks o Book Sale. Heto na ang kasunod…

3. Dapat may budget ka pag nag-book fair. May listahan ka nga wala ka namang budget. Wasak ang book fair experience mo! Mag-ipon ka na ilang buwan bago pa mag-September. Tapos, dapat may limit din para maiwasan ang walang patumanggang paggasta. Halimbawa: tig P500 lang si Nanay, Tatay at Baby. May extra P500 naman para sa emergency book purchase o yung wala sa listahan mo.

4. Lumibot pero dapat may direksyon ang pag-iikot sa book fair. Dapat alam mo kung saan ka magsisimula at magtatapos para siguradong walang mamimiss na booth. Kapag wala kang plano, masensense mo na lang na pabalik-balik ka sa same spot! Sayang ang oras! Pahabol : Magsuot ng comfortable shoes kung balak sundin ang tip na ito.

5. Bumili ka na ng books for your inaanaks at kids ng mga friends mo para ipangregalo sa Pasko! You can never go wrong with books as gifts.

Heto ang mga books na naiskor namin. Hindi lang books ang mabibili sa book fair, nakaiskor din kami ng harmonica sa booth ng LYRIC at classic toy na barrel of monkeys.

20120915-193403.jpg

20120915-193419.jpg

20120915-193442.jpg

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s