Teleserye Trip #2 : Nonie Buencamino : Walang Hanggan’s Evil Miguel

Paboritong Karakter #2 sa Teleserye ( 2nd quarter 2012 edition)

2)      Miguel ( Nonie Buencamino)

Kung gaano kabagal mag-unfold ng kwento sa isang teleserye, ganoon naman ako kabilis magbago ng paboritong karakter.  Hanga pa rin naman ako kay Nathan ( Paolo Avelino) pero compared to lugaw lang siya sa ka-evilan ni Miguel sa Walang Hanggan.  Ibang klase lang umarte si Buencamino – parang loko-lokong seryoso, OA na sakto lang at demonyong nakakatuwa.

Hindi siya hearthrob kontrabida na  tulad ni Avelino pero hindi rin naman goon type na tulad nina Rez Cortez. Sakto lang.

Na- starstruck kami ng tatay ni Rio nang makita namin si Nonie sa CCP nitong huling Cinemalaya. Isa siya sa mga bida ng pelikulang Mga Kidnaper ni Ronnie Lazaro.

Ibang klaseng magbitaw ng dialogue itong si Miguel. Tuso pero may ngisi sa dulo ang dating ng linyang ito  “Nagsasabi ako ng totoo, mamatay man si Daniel.”

Eksena sa Walang Hanggan ni Miguel at Jane     (Eula Valdez at Nonie Buencamino )kapamilyaonesite.blogspot.com

 

Sabi nga ng tatay ni Rio, “Hindi ko gusto ang karakter ni Miguel, gusto ko kung paano siya gampanan ni Nonie.”  Nakakasawa na ang teleserye pero ang pag-arte ni Nonie patok pa rin at  nakakaadik pa nga.

Kelan ba matatapos ang Walang Hanggan?  Gusto ko na kasing mapanood si Nonie sa ibang kuwento/teleserye, matino naman sana ang papel niya. Winner rin ang boses niya, heto ang patunay – song number ni Nonie sa 80th birthday ng kanyang tatay.

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s