Breastfeeding Benefits for Me

Sa lahat ng nagpapadede, ikaw ang hindi pumapayat. Sinabi yan ng tatay ni Rio IN MY FACE and with all his pang-aasar powers.

Hindi pa rin ako naniniwala sa kanya. Bakit? Kahit anong lakas kong kumain ngayon, hindi pa rin ako umaabot  sa  chubbies chapter ng buhay ko.  Sa tingin ko isang dahilan nito ang extended breastfeeding namin ni Rio.

Walang dudang breast milk is best for babies. Tiyak din akong maraming makukuhang benepisyo tayong mga nanay sa naging desisyon nating mag-breastfeed. Isa lang sa mga ito ang mabilis na pagbawas ng timbang natin. Para sa akin, ito pa ang ilan sa mga ipinagpapasamalat ko sa breastfeeding.

 Nanay Shares Precious Time with Rio

Ngayong 1 year at 4 months na si Rio, marami na siyang pinagkakaabalahan. Toys, TV (Tama, hindi ko nasunod ang payo ng pedia na TV should start when baby reaches  2 years old!) at siyempre ang pagkain ng solids. Ngayon, kasabay na namin kumain si Rio — 3 beses  isang araw at may dagdag pang snacks sa hapon.

Abala na si Rio buong araw sa maraming bagay kaya BEST BONDING MOMENT naming mag-ina ang breastfeeding sessions sa umaga at gabi. Minsan kapag may pagkakataon may afternoon session pa kami bago siya mag-siesta.

Ang sarap ng feeling na magkayakap kami pagmulat ng mata niya sa umaga at pagpikit nito sa gabi. Taob ang lahat ng palabas sa Disney Junior, winner pa rin ang gatas ni nanay!

 Nanay Takes Care of her Health

Sa buong buhay ko, noong buntis at ngayong nagpapadede lang ako nag-take ng multivitamins. Kahit noong bugbog sarado at gasgas na ang kalusugan ko, hindi pa rin ako uminom ng mga vitamins.

Ngayon bukod sa multivitamins, napapakain na rin ako madalas ng mga ulam na magulay tulad ng law-oy with malunggay.  Matagal na rin akong alcohol-free pero hindi na nga lang caffeine-free. Naiwasan ko lang ang pag-inom ng kape noong unang mga buwan ng pagpapadede pero ngayon napapainom na ako ng 1-2 small cups a day.

Wish ko lang magtuloy ang pagbabantay ko sa kalusugan at maibalik ang disiplina ko sa pagkain noong nagbubuntis pa ako.

Nanay Pledges to ‘Pay it Forward’

Inspirasyon ko sa ‘pay it forward’ mode na ito ang lahat ng mga breastfeeding blues at winning moments namin ni Rio.  Sana sa pamamagitan ng mga  ‘pay it forward’ simple projects ko ay marami akong makumbinsing mga nanay na mag-breastfeed.

Isa pang pledge ko ang maka-join o mismong makatulong sa paglulunsad ng mga projects para i-promote ang breastfeeding sa mga komunidad.

Sa huli, bumalik man ako sa chubbiest moment of my life pagkatapos naming mag-breastfeed ni Rio, tiyak akong patuloy ko pa rin ipapalaganap na breastfeeding is best for babies and moms too!

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s