Pinoy Toy Expo, Bet Mo?

Sumugod kami sa last day ng Toy Expo 2012 sa SMX Convention sa Mall of Asia kanina. Naisip ko mag-eenjoy si Rio kapag nakita niya si Spongebob na lumalakad at sumasayaw. Gabi-gabi kasi kasama niya si Spongebob sa pagtulog dahil sa mga pillowcases na pamana sa kanya ng kanyang mga pinsan.

Fast forward. Hindi namin inabutan ang Meet and Greet Spongebob and Patrick sa Toy Expo! Kaya inikot na lang namin ang buong venue at nag-picture dito, picture doon. Eto ang mga favorite shots namin :

Siyempre, dapat may picture with the giant Spongebob si Nanay at Rio

Dahil walang giant Mickey Mouse, nagkasya na lang kaming mag-ina kay Mickey Mouse on the Wall

Hindi ko kilala kung sinong robot ito. Basta picture lang tayo!

Haay, hindi maka-smile si Rio! Ang mahal daw kasi ng ticket sa show ni Mickey Mouse sa SMART Araneta!

i-collage na lang ang pictures sa booth ng lego! winner ito!

My boys love toys!

Napag-usapan namin paglabas ng SMX na magandang venue sana ang Toy Expo para ipakilala rin sa mga bata ang mga laruang/larong Pinoy. Sino pa kaya sa mga bata ngayon ang naglalaro ng trumpo? O nakaranas mag-concentrate nang todo para ma-ishoot sa butas ang jolens? O mag-ipon ng pagkadami-daming teks para makipaglaban sa kalaro?  Trumpo, jolens at teks – ilan lang yan sa mga laruang/larong pwedeng ipakilala uli sa mga batang Pinoy sa susunod na Toy Expo o kaya mag-organize na lang ng Pinoy Toy Expo. What if, i-sponsor ito ng Channel 5 para sa bonggang announcement na Batibot is alive!

Trompang Trumpo Boys! photo taken here http://www.artverite.net

Join na sa Jolens! photo taken here http://www.pixoto.com

 

Old school na teks ito! Komiks pa! photo taken here http://www.marcelosantosiii.com

Pinoy Toy Expo 2013, ano sa tingin mo? Ano pang mga laruang/larong Pinoy ang gusto mong makita kung sakaling magkaroon ng Pinoy Toy Expo?

 

 

 

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s