Sino ang paborito kong Breastfeeding Blogger Mom?

Walang kakurap-kurap ang sagot ko — si Jenny Ong ng Chronicles of a Nursing Mom (COANM).

Screen shot of COANM website.

SIKSIK sa impormasyon at SULIT ang oras ng magbabasa ng blog niya.

“What’s SIKSIK nanay?”

Siksik means nag-uumapaw sa impormasyon tungkol sa breastfeeding ang COANM. Mababasa mo sa V.I.P. ( Very Important Pages) section ng blog ang halos lahat ng topics sa breastfeeding.  Isang click lang sa mga nakalistang blog posts sa page na ito, magkakaroon ka na ng idea mula sa latching, pumping, hanggang sa handa na kayong mag-weaning ni baby.

Para sa akin, Pinay version ng KellyMom ang COANM.  Pinag-iisipan at ineeffort ang research, pagsusulat at pagsisikap na gawing swak sa mga breastfeeding experiences ng mga Pinay mom readers.

“What’s SULIT nanay?”

Sulit means walang sayang na oras sa pagtambay mo sa COANM. Sulit ang pagbabasa mo dahil halos kasama mo na ang blog sa buong breastfeeding journey. Basa ka lang nang basa hindi mo namamalayan : a) nakaka-15 months ka na palang nagpapadede; b) breastfeeding advocate ka na; c) tutol ka rin sa pag-amend ng Milk Code sabay sigaw ng “Kill the Monster Bill!“.

Dagdag pa sa pagka-SULIT mo sa blog na ito ang iba pang mga nanay topics na matitisod mo dito bukod sa breastfeeding.  Babywearing at baby/kids photography ang ilan sa mga topics na naging interesado ako.

Thank you sa blog carnival na inisponsor ng COANM noong isang taon dahil isa ito sa mga nag-inspire sa aking mag-blog. Wala nang atrasan sa pagbablog mula nang isinulat ko ang kauna-unahang blog carnival entry ko tungkol sa breastfeeding. Sana sa mga kuwento ko ay nakakatulong din ako tulad ng COANM sa mga bagong nanay na piniling mag-breastfeed.

Finally met Jenny of COANM! (tagged myself in this photo from COANM’s FB album Babywearing 4🙂

One thought on “Sino ang paborito kong Breastfeeding Blogger Mom?

  1. thank you for your kind words!!! internet was my best friend during the early days and na-realize ko it really helps to have a support group – even if online lang. paying it forward lang ako and now ikaw na naman😀

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s