Breastfeeding Bonding Moments 

15 months na si Rio at wala pa ring tatalo sa gatas ng ina para sa aming super kulit na baby. Tuluy-tuloy pa rin ang aming breastfeeding moments hanggang ngayon.

Kung noon nangangapa ang moda naming mag-ina, napalitan na yun ng mga steady at madalas wacky pa nga na mga breastfeeding moments ngayon.

Heto ang ilang mga “noon at ngayonBreastfeeding Bonding Moments naming mag-ina. 

Daganan mo ako at padedehin kita moment !

NOON : Hirap na hirap ako kung paano kargahin si Rio sa aming breastfeeding sessions. Hindi rin naman nagtagal, natutunan na namin ang pinakakumportableng karga at namaster pa ang tagilid habang nakahigang pusisyon ng pagpapadede.

NGAYON : Dapa kung dagan si Rio sa akin! Sampa kay nanay, taas ang tshirt, dede na! Ganyan ang breastfeeding bonding moments naming mag-ina ngayon. Walang paliguy-ligoy, aksyon agad!

To the left, to the right dede moment! 

NOON : Iniisnab ni Rio ang kanang dede ko. Sangkatutak na gimik at pusisyon na ang ginawa namin ng tatay niya pero wa epek pa rin. Pero siyempre wala namang hindi nakukuha sa tiyaga. Pagkatapos mamaga ng kaliwang dede at ilang mga karga experiments with matching pillow support, naglatch na rin si Rio sa kanang dede ko. Success!

NGAYON :  Left, right. Left, right.  Kung may north dede at south dede lang papatusin din yun ni Rio. Susukatin naman ang pasensya mo kapag ganito ang baby mo. Palipat-lipat at parang hindi makapaghintay na maubos ang gatas ng isang dede.

Sa totoo lang, ang sarap-sarap lang ng feeling at enjoy pa rin si Rio sa breast milk at 15 months! Kaya ngayong breastfeeding awareness month, isang pangmalakasang kampay para sa marami pang buwan ( o taon sana) ng breastfeeding sa amin ni Rio!

Pahabol :  Waaaah! Halos wala kaming pictures mag-ina ng aming mga breastfeeding moments.Huwag akong tularan. Ang mga moments na ganitomdapat piktyuran! Basahin ang mga tips ni Chronicles of a Nursing Mom para magkaroon ng mga cool breastfeeding photos!

2 thoughts on “Breastfeeding Bonding Moments 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s