Baha and Breastfeeding Moments

Inulan ang Blog and Breastfeeding Month (BBM) ko!

 

Ayos na sana kung inulan ng bagong mga blog posts, followers at comments ang nanaystrip. But no, literal na ulan as in hinabagat ang Metro Manila at iba pang malapit na region noong nakaraang linggo.

 

Kaya deadma muna ako sa mga nakalista kong BBM topics ngayong buwan at iayon ang  una kong BBM sa mga kaganapan nitong mga huling araw. Kaya heto na ang Baha at Breastfeeding Moments.

 

Sa mga balitang bumaha sa Twitter timeline ko, ang mga tweets ng  narerescue na buntis, sanggol at bagong panganak na nanay ang mga tumatak sa akin nitong “hebigat habagat” days. Nag-flashback bigla ang mahihirap na linggo pagkatapos ko manganak.  Kung sa normal na sitwasyon nga, mahirap na ang mga unang linggo ng breastfeeding, paano pa kaya kung nagaganap ang lahat sa gitna ng kalamidad? Hay naku, haggard na habagat !

 

Totoo, mahirap ang pinagdadaanan ng lahat sa panahon ng mga disaster lalo na ng mga lubhang nasalanta at walang ibang choice kung hindi ang mag-stay sa mga evacuation centers.  Hirap man ang lahat, mas dapat pa ring pagtuunan ng pansin ang mga bata lalo na ang mga sanggol at nanay.

 

Heto ang ilang mga suggestions ng nanaystrip na nahugot sa iba’t ibang mga blogs at artikulong nabasa tungkol sa breastfeeding sa panahon ng kalamidad.

 

  • Isurvey ang mga pamilyang may miyembrong buntis, bagong panganak o nagpapabreastfeed ng nanay.

 

Mas mainam kung magawa ito nang mas maaga o bago pa ang kalamidad. Kung hindi naman, magsagawa agad ng survey kahit sa mismong evacuation center.

 

Bukod na kabilang sila sa mga pinakabulnerable at dapat maunang irescue, may ispesyal rin silang pangangailangan pagdating sa evacuation centers tulad na lang ng pagkain. Kailangan nila ng mas maraming fluids tulad ng tubig, masasabaw na pagkain at mga pampagatas na gulay tulad ng malunggay.

 

  • Maglaan ng ispesyal at hiwalay na kwarto para sa mga nanay at mga bata/sanggol.

 

Gawin ang makakaya para makahanap kahit maliit pero kumportableng espasyo sa loob ng evacuation centers para sa mga nanay at mga sanggol. Mahalaga ito para iwas sa hawahan ng mga sakit lalo pa’t mababa pa ang mga panlaban o antibodies na mga bagong panganak na sanggol.

Breastfeeding nanays sa evacuation center (photo taken here http://www.flickr.com/photos/unicef_thailand/6265751174/)

 

  • Agad na magbuo ng breastfeeding support group sa hanay ng mga nanay sa evacuation center.

 

Mahalagang magkatulungan ang bawat nanay sa panahong ganito. Malaking bagay na ang sharing ng mga karanasan at tips sa breastfeeding. Makakatulong din kung magagabayan ang support group ng mga breastfeeding at lactation consultants. Maipaliwanag nang mahusay sa mga nanay kung bakit BREAST is BEST at hindi dapat itigil ang breastfeeding kapag may kalamidad.

 

“Sa gitna ng kalamidad, ang iyong gatas Nanay ang pinakamatibay na bantay sa kalusugan at nutrisyon ni baby.” (photo taken in unicef.org)

 

Maturuan din ang mga nanay kung paano i-handle ang mga breastmilk donations at bakit hindi pinapayagan ang pagdodonate ng mga milk products sa mga evacuation centers. Basahin ang column ni Rina Jimenez-David  at isang article mula sa website ng UNICEF Philippines tungkol sa mga breastfeeding stories noong bagyong Sendong.

 

Sana makatulong ang mga suggestions ng nanaystrip at aktwal din makapagvolunteer ang nanay ni Rio para maisagawa ang mga ito.🙂

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s