Ayos na ayos ang August! My Blog and Breastfeeding Month

Nanaystrip turns ONE! At isang taon na nga akong blogger (naks!feelingera lang!). Isa itong malaking award dahil hindi ko inaasahang magtatagal ako sa pagbablog.  Ilang beses na rin akong sumubok bago ako nagpasyang “This is it! Nanaystrip it is!”.

Makiki-1st birthday cake muna ang Nanaystrip kay Rio🙂 Happy 1st blog anniversary!

Breastfeeding at Blogging

Bakit ba ako nag-blog? Ang sagot : Dahil sa breastfeeding. Tambay-blog ako  noong unang mga buwan ni Rio. Mas madalas blogs ng mga breastfeeding at new moms ang tambayan ko. Naisip ko, “bakit hindi ko kaya i-share ang aking breastfeeding experience?”. Pay it forward baga ang drama. Baka sakaling may konting maitulong ang pagkukuwento ko ng mga breastfeeding moments ko sa mga nanay na makikitambay sa blog ko. Kaya noong Hulyo 30, 2011, isinilang ang Nanaystrip at eto na nga ang kauna-unahang post ko : Breastfeeding Blues ng isang Bagong Nanay.

Kuwento dito, kuwento doon

Hindi na nga ako nagpaawat sa pagbablog. Marami na akong gustong ikuwento bukod sa breastfeeding. Kaya kinarir ko na ang monthly pasabog series ni Rio o ang mga milestones niya buwan-buwan. Heto ang favorite monthly pasabog post ko :  Eight Watchamakulit Pasabog 

Nag-isip din ako kung paano masasanay ang sariling mag-blog nang regular. Kaya sinubukan ko namang mag-flashback mode sa aking Flashback Friday series. Heto ang isa sa aking mga binalikan : FLASHBACK FRIDAY : Cyndi Lauper ( Para sa mga manonood ng concert niya sa March). 

At nitong mga huling linggo, sinunod ko ang suggestion ng isang kaibigan at sinubukan kong magpakashowbiz. Heto ang aking showbiz attempt : Teleserye Trip #1: Walang Hanggang Sayad ni Nathan 

Hapi anib Nanaystrip!

Wala akong pang-giveaway tulad ng ibang blogs. Kaya heto lang ang kaya kong gawin sa anibersaryo ng aking blog – ang magkuwento nang magkuwento! Ito na rin ang maliit na kontribusyon ko para sa breastfeeding awareness month ngayong 2012.

Mula sa taong ito, idinideklara ko ang  August bilang  my Blog and Breastfeeding Month o BBM for short. Heto pa ang ibang BBM’s na isusulat ko sa buong buwan ng Agosto :

BBM #1 Breastfeeding Bonding Moments

BBM #2 my favorite Breastfeeding Blogger Moms

BBM #3 Breastfeeding Benefits for Me

BBM #4 Big Boy na Makulit at Malusog

Isang matunog at masayang palakpakan para sa unang taon ng Nanaystrip at simula ng Breastfeeding Awareness Month! Enjoy!

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s