Si Lolong at ang 1st Birthday Party ni Rio sa Parks and Wildlife

Si Lolong, ang pinakamalaking buwayang bihag sa buong mundo, balak daw iluwas ng Maynila at itira sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa QC? Na-imagine ko bigla si Lolong na umaaligid sa lagoon ng Wildlife kung saan nag-1st birthday si Rio.

Rio and his “Lolong sando”

With or without Lolong, sa tingin ko ayos pa ring magpaparty sa lagoon ng Wildlife. Kaya nga nang may isang kaibigang nagtanong sa akin kung paano mag-pareserve dito, jinoin ko agad. Mura lang kasi ang renta (P1,700) kumpara sa ibang venue na umaabot ng P4,000 pataas. Lalong sulit dahil reserbado mo ang lugar ng buong araw ( 8am – 6pm).

Roaring Rio is ONE, rawrrrrrrr!

Make a wish!

Bukod sa mura’t sulit, maaliwalas din mag-party sa park (mag-wish lang na hindi sobrang init o malakas ang ulan sa araw ng party) kaysa sa apat na sulok ng restaurant. Pwedeng magpatakbo-takbo ang mga bata ( bantayan lang nang maigi at baka matukso silang mag-dive sa tubig!) at mag-ikot muna sa mini zoo habang hinihintay magsimula o pagkatapos ng party.

Spot the gazeebo! Tatay’s infrared shot of the Parks and Wildlife lagoon.

Malaki rin ang espasyo sa lagoon kaya maraming pwedeng maniobra at gimik na gawin para sa party. Jungle safari ang theme ng  party ni Rio kaya swak sa venue.

Paw prints will lead the guests to roaring Rio’s party

Sa mga kamag-anak kong taga south,sulit ang byahe kasi nadiscover nilang  mayroon pang park sa Maynila bukod sa Luneta at mapuno pa!

Tito Josel, Tita Jay and Sam enjoyed Rio’s party!

Everybody happy!

Bonus! Silipin ang mga infrared shots ni Tataystrip sa Parks and Wildlife. Enjoy at imagine natin lumalangoy si Lolong sa lagoon. Afraid!

 

2 thoughts on “Si Lolong at ang 1st Birthday Party ni Rio sa Parks and Wildlife

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s