Teleserye Trip #1 : Walang Hanggang Sayad ni Nathan

Immortal, Minsan Lang Kita Iibigin, 100 Days to Heaven — sinubaybayan ko ang mga teleseryeng ito nang buntis ako hanggang sa unang mga buwan ni Rio.  Adik sa TV lang ang drama ko habang tambay-bahay ng mahigit 9 na buwan.  Isa lang ang rekwes ng nanay ko at sinunod ko naman : huwag na huwag kang manonood ng Kokey habang buntis.

Adik lang oh!

Mahigit isang taon na si Rio ngayon pero teleserye pa rin ang gabi-gabing moda ko. Hindi na naman ako tambay-bahay pero malakas lang talaga siguro ang impluwensya sa akin ng Nanay ko pagdating sa TV.  Kung ano ang pinanonood niya, nood din ako. Bata pa lang ako, sa halip na cartoons, Lovingly Yours Helen, Flor de Luna, Annaliza at kung anu-ano pang drama na ang pinapanood ko.

Childhood Sunday afternoon habit : Lovingly yours, Helen

 

Subukan ko ngang ikwento ang teleserye moments ko. Game!

Paboritong Karakter #1 sa Teleserye (2nd quarter  2012 edition)

1. Nathan ( Paolo Avelino)

Kapag tinatanong ang mga baguhang artista kung anong dream role nila tiyak eto ang mga sagot nila : serial killer, psychotic o schizo. May mga winner gumanap ng may sayad pero mas madalas failure at mas nakakaloko sa mga manonood ang pag-arte  ng iba.

 

nathan sayad moments

Nakakakilabot ang pagkasiraulo ni Nathan sa teleseryeng Walang Hanggan. Baliw siya sa pag-ibig kay Katerina ( Julia Montes) na baliw naman kay Daniel ( Coco Martin) na kapatid pala niya sa ama! Gasgas na ang plot na ganito sa mga teleserye pero mahusay lang ang paggampan ni Avelino ng karakter niyang may sayad. May isang eksena na bordering sa nakakakilabot at nakakatakot ang epekto sa akin. Hindi nakakabanas ang mabilis na pag-iiba ng mga expression niya — maamo look to evil stare na handang pumatay ng tao. Winner!

Stand out lang talaga ang pag-arte ni Nathan kumpara sa mga ka-love triangle niya. Una, walang katorya-torya kasi ang arte ni Katerina. Dapat nagproduce na lang ng Goin Bulilit – Teen edition/Awkward stage ang ABS-CBN para sa mga tulad niya. Hindi pa talaga bagay sa kanya ang role na asawang martir pero malakas naman ang loob magtaksil.  Isa pa, nakakasawa na ang acting ni Coco Martin o ang galit ako, lalaki butas ng ilong ko school of acting.

Hindi talaga swak!

Si “Nathan Sayad” ang nagsasalba sa papasadsad na interes ko sa teleseryeng ito. Ano na namang kabaliwan ang gagawin niya kay Daniel at Katerina sa mga darating na episode? ( Kakapakita pa lang ng trailer : Binugbog niya na naman si Daniel)

Fearless Forecast: Kung hindi mamamatay si Nathan , mental institution ang bagsak nito. Kahit alam mo na ang magiging katapusan nito, exciting pa rin kung paano papatatakin ni Paolo Avelino ang karakter na Nathan sa mga tagasubaybay o teleserye adik na tulad ko.

Abangan.

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s