Icons Sing for “The King” at his Arena

Buti na lang hindi ko kinarir ang concert na “Icons at the Arena”.

Nakakalula lang kasi ang lineup ng performers – Basil Valdez, Martin Nievera, Lea Salonga, Arnel Pineda at marami pa. Seryoso talaga akong manood kasi nagtanong pa ko sa SM kung magkano ang pinakamurang tiket.  P600 daw sa pinakatuktok. Napaisip tuloy ako dahil sa presyo.  Mas napaisip pa ako dahil baka gabihin nga kami ng uwi at hanapin ako ni Rio. Ang final verdict : Aabangan ko na lang ito sa TV.

Hindi naman ako pinaghintay nang matagal. Ayun at wala pang isang buwan, inere na ang concert sa ABS-CBN, Kapamilya Network. Puyatan blues nga lang dahil halos alas-12 na ng madaling araw ito nagsimula.

Bullet points mode na lang tayo ha? Para i-join ko na lang lahat ng kung anu-anong mga komento’t cheka ko sa konsiyertong ito. O ano? Game!

 

  • Opening number pa lang kabagot na! Jose Mari Chan medley para buksan ang isang concert!  Hindi ma-reach ang energy ng mga songs ni Tatang! Parang mas ok pa sana kung medley na lang ng The Company ang kinanta – from Everlasting Love, Muntik na Kitang Minahal to Now That I Have You.
  • Hindi naka-join si Divine Diva Zsa Zsa sa concert dahil nasa ICU nga si Pidol. Eniwey, good replacement pa rin si Rachel Alejandro kay Divine Diva. Samahan pa ng walang kupas na mga divas na sina Dulce at Vernie Varga. Winner ang Diva production number nila na Louie Ocampo medley.
  • Si Ka Freddie Aguilar kinanta ang “Anak” na sinalin sa sangkatutak na wika sa buong mundo. Yun na lang. Bow.
  • Ang linis kumanta ni Juris ( may tweet ding ganyan si Lea Salonga noong rehearsals nila). Ang taas lagi ng kuha ni Jed Madela sa mga kanta ( may sarili siyang key – key of Jed). Ang ordinaryo ng boses ni Richard Poon. Ang guwapo ni Papa Piolo. Boom!
  • Hindi nakakasawa sina Jose at Wally! Lamang sila ng ilang points sa Dolphy and Panchito tandem dahil marami silang baong bala : kumakanta, sumasayaw, nagpapatawa at nag-iimpersonate pa. Dapat hindi na lang sinama si Pokwang sa prod number ng dalawa.
  • Bakit naman si Bamboo ang nag-represent sa Pinoy Rock and Roll?! Siya na lang dapat ang kasama nina Jose at Wally kaysa kay Pokwang.  Tapos duet sila ni Jose ng Halleluia, mas papatok pa!
  • Hindi bagay kay Arnel Pineda ang Ric Segreto songs. Love ko ang version ni Lea Salonga sa Kuh Ledesma songs na Till  I Met You at I Think I’m In Love. Parang ang sarap i-videoke ng mga Ingles na OPM songs.

Wait lang, may extra cheka ako. Kanta pala ni Lea Salonga ang “Mula Noon Hanggang Ngayon” na nirevive ni Kathryn Bernardo aka Mara ng famous teleseryeng Mara Clara.  Gusto ko rin ito kantahin sa videoke.

  • Masarap pakinggan ang mga kanta nina George Canseco, Willy Cruz at Ryan Cayabyab. Sana nga si Basil Valdez na lang lahat ang kumanta. May Eric Santos at Martin Nievera pa kasing naganap.
  • Ayos-ayos na sana ang mga performances nang biglang nagkaroon ng parangal para kay Henry Sy! Si Gary V kumakanta sa isang recorded video habang naka-flash at nasa background niya ang mga pag-aaring malls at condo ni Sy – ang “king of contractualization”. Wasak ang Icons at the Arena! Para tuloy silang mga alagad ni Henry Sy – mga aliping pinatawag ng hari para kantahan siya sa MOA Arena, ang kanyang bagong palasyo.

Nabanas na ko. Hindi ko na tinapos ang palabas. Nag- good night na ko sa nanay ko at tumabi na sa mahimbing na natutulog na si Rio.

Last na ‘to at walang panghihinayang kong uulitin : Buti na lang talaga at hindi ko kinarir ang concert na “Icons at the Arena”.

 

 

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s