Standard

Maligayang kaarawan Dr. Jose Rizal! Rio sa Luneta

Saktong-sakto ang first Luneta experience ni Rio! Nag-Luneta siya sa 151st birthday ni Jose Rizal (June 19).

Nakapaglakwatsa na rin naman si Rio sa ibang park pero iba talaga ang dating ng Luneta. Kung park at park lang, wala pa rin talagang tatalo sa Luneta. Sa tingin ko, mas maraming kwento at ganap sa park na iito. Siyempre maraming mag-sweetheart na nagde-date sa paligid. Hindi rin nawawala ang mga pamilyang nakasalampak sa damuhan at ineenjoy ang park sa swabeng-swabeng hapong yun.

Maraming naglipanang karakter sa Luneta.

Ang mga photographers na kitang-kita mo ang lungkot sa mga mata kapag naglalabas ng mga digicams at cellphones sabay pose ang mga tao sa park. Humina na raw talaga ang kita nila nang kinausap namin si Manong Litratista. Madalas mga turista na lang daw ang nagpapapicture sa kanila.

Ang mga nagbebenta ng silver na panlatag sa damuhan sa mga gustong humiga at lumupasay sa damo habang nagpapalipas ng oras sa park. Bente pesos ang benta nila sa isang panlatag. Nakakailan kaya sila sa isang araw? Ito rin kaya ang ginagamit nilang panlatag sa gabi kapag matutulog na?

Sayang hindi namin sila nalitratuhan. Promise, sila naman ang bida sa post ko kapag nakabalik kami sa Luneta.

Sa ngayon, heto na muna ang mga Luneta pictures namin. Enjoy!

Ganado na talagang maglakad ang baby namin!

Litrato naming mag-nanay sa may fountain

Yung inuupuan ko ang bente pesos na silver na panlatag na nilalako sa park. Ayos di ba? Instant picnic ang moda!

At siyempre pa, hindi mawawala ang picture sa monumento ni Rizal

Hindi papatalo ang tatay ni Rio, sila din dapat may litrato with Rizal

Maraming-marami pang makikilala si Rio dito sa Luneta. Habang lumalaki si Rio, makikilala rin niya ang mga rebulto ng bayaning nakalinya sa buong park ( bukod pa kay Jose Rizal). Gusto ko ring makilala niya ang iba’tibang taong dumadaan, napapadaaan at mga taong itinuring nang bahay ang Luneta.

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s