FLASHBACK FRIDAY : Elementary Field Trips

Trip to Mind Museum ang balak kong pang-sorpresa sa dalawang pamangking kong magbibirthday sa darating na mga buwan. May kamahalan nga lang ang tiket dito pero sabi ko nga sa tatay ni Rio, kapag dinala namin ang mga bata dito, tiyak na tatatak ito sa kanila. Pustahan kahit hanggang pagtanda nila matatandaan nila ang trip to the museum na yun.

"Mind-blowing" Mind Museum in Taguig City

Ganyan kasi ako sa  mga field trip ko noong elementary. Unforgettable, may tatak sa utak! Heto ang ilan sa mga natatandaan kong field trips nang elementary ako kahit pa bahagya na lang.

  1. Manila Zoo

Natatandaan ko ang mga kulungan ng unggoy, elepante, giraffe at  lion. Medyo malabo na sa alaala ko pero tanda ko uso ang Magnolia popsicle noon at kumakain ako ng chocolate flavor habang naglilibot.

Nitong Pebrero lang, lumibot kaming pamilya, kasama ang pamangkin kong si Choi sa Manila Zoo. Parang na time warp lang ako nang napadpad kami sa teritoryo ng mga unggoy. Bigla ko lang naalala ang elementary field trip namin dito.

Masaya ang muling pagbisita at first time naman ni Rio sa zoo. Malungkot lang dahil namatay na si lion at giraffe habang papatayin na rin ang mga tigre at si elepante.

Oops, di totoo ang elephant na yan a! Ang real elephant ay mahina't matamlay na lagi.

  1. Fort Santiago

Nang bumalik kami dito ni Tataystrip para magphotoshoot, tandang-tanda ko ang isang eksenang kumakain sa may mga mesa malapit sa playground ang mga schoolmates ko. Isang seksyon, isang bus. Kailangang bilisan mong mag-snack para hindi ka maiwan ng bus. Same place, walang palitan ng pwesto sa bus. Siyempre, hindi mawawala ang pagrorosaryo ng buong klase sa bus habang nagbibiyahe.

Infrared shot at Fort Santiago. Si Rio nasa tummy pa ni Nanay!

  1. Planetarium

Isang beses nagtalo kami ng tatay ni Rio kung nasaan nga ba ang Planetarium – sa Maynila ba o sa Quezon City. Ako sa QC, dahil noong college ako tanda ko pang napadaan ako dito para manood ng mga constellations. Pero sa totoo lang, kahit QC ang hula ko, naaalala ko na bandang Maynila nga kami nag fieldtrip noon.  (Tama si tataystrip. Sa Maynila, malapit sa Rizal Park matatagpuan ang Planetarium. PAGASA Planetarium ang nasa Agham Road, Quezon City.)

Enjoy lang dito. Nakaupo ka lang ,titingala at mapapanood mo nang gumagalaw ang langit. Abot-kamay sa lapit ang mga bituin. Feeling nasa outer space ka. Favorite ko ang planetarium field trip period.

CASSIOPEIA : isa sa mga unang constellation na nakilala ko

  1. Eat Bulaga

Yes!  Naging audience kami ng longest running noontime show sa bansa. Tulad pa rin ng gawi ng Eat Bulaga ngayon, babatiin ng mga hosts ang mga excursionista tapos tatawagin ang representative ng grupo. Nangyari sa amin yan complete with palakpak tv mode ( lagpas ulo ang mga kamay kapag pumapalakpak).

Sayang nga lang at wala  pa noong Juan for All, All for Juan na segment at hindi pa namin na-enjoy ang pagpapatawa ni  Jose, Wally at Paolo. Pero classic talaga ang Eat Bulaga field trip na yun kasi sa RPN-9 pa ang studio na pinuntahan namin.

Hagalpak ang tawa ko sa Juan for All, All for Juan episode na ito. May papalo-palo pa raw ako sa mesa sabay tawa nang malakas sabi ng tatay ni Rio.

 

Kung may batchmate ako ng elementary na nakakabasa ng post na ito, tama ba ang tanda ko sa mga field trips natin? Ano pa ang mga madagdag niyo dito?

2 thoughts on “FLASHBACK FRIDAY : Elementary Field Trips

  1. Naalala ko din yang mga yan! Pero hindi kami naging audience ng Eat Bulaga! Puntahan din ang Nayon Pilipino, Barasoain Church at Enchanted Kingdom! Badtrip lang, mga 2 years yata kaming walang field trip dahil sa mga bomb threats!

    Like

  2. Yung pinaka natatandaan kong field trip namin e yung palnetarium at Manila Zoo din. Pero pinaka gusto ko talaga ang planetarium. Sobrang amazed ako nun!

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s