My Breastfeeding Station Stories (BSS)

“Ilang months na?”

 

Walang palya. Laging ito ang unang itatanong sa’yo ng kasabay mong nanay sa breastfeeding station.  Ito ang tagabukas ng masarap na kwentuhan habang busy si beybi sa pagdede.

Bukod sa tahimik at komportable, lagi akong excited sa aming trip ni Rio sa breastfeeding station ng mga malls dahil  makakilala ako ng mga breastfeeding nanays. Iba-iba ang kwento ng bawat nanay kaya maraming matutunan. Sisimulan ko ngayong mag-post ng mga Breastfeeding Station Stories o BSS ko.

Breastfeeding Station : SM Mall of Asia

Location : 2nd floor South Wing ( Tandaan: Huwag mapagod sa paghahanap. Kapag wala ka nang mapupuntahan at natatanaw mo na ang Microtel sa malayo, tumingin sa kaliwa, makikita mo ang Mall Clinic, pumasok at sa wakas natagpuan mo rin ang Breastfeeding Station)

Paalala: Sina nanay at beybi lang ang pwede sa station. Mamasyal muna si tatay ng ilang minuto. Bawal din dito ang stroller at magpalit ng diapers ni beybi.

Isa pang paalala:  Siguraduhing tapos na ang fireworks bago pumasok sa station. Kakahinayang na marinig ang mga paputok habang nagpapadede. Sayang naman kung hindi maenjoy ni beybi.

Huling paalala: Dahil nasa isang room ang mall clinic at breastfeeding station, siguraduhing walang pasyente lalo na kung pwede itong magtransfer ng virus kay beybi. Heto ang isang review sa breastfeeding station ng SM MOA.

Pansinin ang railings sa kanan. Sa laki ng mall na ito, talagang sa dulo kung dulo lang ipinuwesto ang Breastfeeding Station!

Eto na ang ang BSS #1 ko.

Pagpasok sa kwarto, nagtaka ako sa nadatnan ko. Bakit siya nakasuot pa ng nursing cover? Mag-isa na nga siya at nasa loob pa ng breastfeeding station. Masyado namang mahiyain si Nanay.

“Ilang months na siya?”

Mag-11 months na sa April.

“Siya?”

“Hindi ko siya kasama.”

Wapak! Nagmemegapump pala si Nanay. “Iniwan ko si baby kasi maulan.”

Sandali lang naman at nakarecover na ko sa aking WOW Mali moment. Nagsimula na ang aming kwentuhan.

6 ½ months na ang beybi niya at exclusively breastfeeding sila. Back to work na siya kaya regular ang kanyang pag-pump ng milk. Masaya niyang kinuwento na maglalaan na ang office nila ng lactation room. Yehey! Nalungkot naman siya kasi nagkaroon agad ang  beybi niya ng nipple confusion noong 2 ½ months siya kaya hindi na sila nagdidirect feeding.

Hanga ako kay Nanay. Hindi kaya biro ang magpump forever lalo’t hindi na sila nagdidirect breastfeeding. Sa kabilang banda, kailangang maresolve nila ang nipple confusion. Sa tingin ko, bukod sa naririnig ko lang na iba talagang sumimot ang bata ng gatas, priceless bonding pa rin sa pagitan ng nanay at anak ang breastfeeding sessions. Kaya ang wish ko para sa bida ng aking BSS #1:  sana matanggal na ang kalituhan ni beybi at magbalik na siya sa mga dede mo.

Habang nagliligpit na si Nanay ng kanyang pumping paraphernalia, “Ano nga ulit name ng baby mo?”

“Rio,” sabi ko.

“Ang galing, Rio rin ang name ng baby ko.”

Sana sa susunod na mapadpad ako sa isang breastfeeding station, magkita kami ulit at kasama na niya si Rio Girl.

One thought on “My Breastfeeding Station Stories (BSS)

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s