FLASHBACK FRIDAY: Farewell – Ang Pambansang Graduation Song

Ilan kayang high school batch ng dekada’80 at ’90 ang kumanta ng Farewell ni Raymond Lauchengco bilang graduation song?

Siyempre naman, isa ang batch namin d’yan. Kahit palasak ang Farewell bilang isa sa mga hit ng 80’s bagets balladeer na si Lauchengco, proud pa rin ako at ito ang aming graduation song. Kasi inareglo ito ng aming music teacher noong 4th year na hanggang ngayon medyo nakakanta ko pa sa isip ang tono ko. Ang hindi ko lang matandaan kung nakanta namin nang maayos ito noong mismong araw ng graduation o may mga nag-iiyakan na’t hindi na makakanta nang ayos.

Bakit ba patok na graduation song ang kantang ‘to?

We used to be frightened and scared to try
Of things we don’t really understand why
We laugh for a moment and start to cry
We were crazy

Sakto!  Dumaan ang lahat sa teenage phase na ‘to di ba? Sira ulo, loka loka , kalurkey lang ang high school days.  Mapusok ka pero takot din. Feeling alam mo na lahat pero parang ang dami mo pa ring hindi alam. Ang saya lang maging confused kasi mas exciting at masaya kapag naging maliwanag na ang lahat. May iba maagang naabot ang kaliwanagan, ang iba naman medyo natagalan (dito ako kasama,hehe).

Yesterday’s a treasure, today is here
Tomorrows’ on it’s way, the sky is clear
Thank you for the mem’ries of all the laughters and tears

Sa huling linya lang ako tiyak na maraming nakakarelate. Kung may isang common na nararamdaman ang mga gagradweyt, walang iba yun kundi ang  isang feel na feel na “haaay,salamat!” sabay malalim na buntong hininga. Panalo man ang high school days mo, steady lang o masalimuot, magpapasalamat ka pa rin kasi sa wakas gradweyt ka na. Larga na ulit sa bagong mundo.

Swak na swak lang talaga ang lyrics nito sa high school life di ba? Kaya hindi ako magtataka kung meron pang mga batch na ito ang graduation song kahit na so old school na at panahon na nina Lady Gaga at Katy Perry.

Kaya para sa Batch 2012,

Farewell to you my friends
We’ll see each other again
Don’t cry ’cause it’s not the end of everything

Maligayang pagtatapos!

 

 

 

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s