FLASHBACK FRIDAY : Paalam Encyclopedia Britannica

 

Paalam lang naman sa makakapal na encyclopedia. Sandali lang at may online application version na ‘to. Pareho lang ng pinsan nitong dictionary ang kapalaran nito. Isang klik o tap na lang, ayos na!

Napabalitang ititigil na ang pag-iimprenta ng Encyclopedia Britannica.  Nagulat ako kasi akala ko matagal nang itinigil ang pag-iimprenta’t pagbebenta nito. Mabibilang na lang sa daliri o baka wala na ngang gumagamit ng makakapal na librong ito. Google at wikipedia na ang takbuhan para sa mga gustong malaman.

Kaya heto ang mga istoryang encyclopedia ko. Anong sa’yo?
1. Lumaki kaming walang encyclopedia sa bahay.

Kahinayang nga at hindi talaga nakahiligan nina nanay at tatay ang bilhan kami ng mga libro, kasama na nga ang encyclopedia dito. Kaya naman nangangapitbahay pa talaga ko para makagamit ng encyclopedia.

Kumpleto ng lahat ng volume ang mga pinsan ko ng encyclopedia kaya menos oras na ang pag-reresearch ko sa iskul dahil dito na ko nagbababad. Kapag may assignment, papanik ako agad sa bahay nila para hagilapin ang sagot sa encyclopedia.

2.  Kapag may encyclopedia, may kaya!

Madalas nakadisplay ang mga encyclopedia sa mga platera o istante ng malalaking sala sa bahay.  ‘Yan ang tingin ko noon kasi hindi birong makabili ng 32 piraso ng makakapal na libro na nandoon lahat ang kailangan mong malaman.  Pero noong nauso na nga ang digital version ng encyclopedia, low tech na ang mga pamilyang may encyclopedia na nakadisplay sa bahay.

Kay kapal na mga libro na 'to!

3. Bili na kayong encyclopedia!

Eto lang ang naalala kong librong nilalako.  Usong trabaho o sideline din noong late 80’s hanggang early 90’s ang pag-aahente ng encylopedia.  Kung ngayon mga ahente ng condo ang sumasalubong sa’yo sa mga mall, mga ahente naman ng encyclopedia ang todo sales talk noon.

4. Exit Encyclopedia, Welcome Encarta!

Unti-unting inalikabok ang malalaking libro ng encylopedia nang dumagsa ang mga cd’s at di nagtagal mga dvd’s ng Encarta. Di hamak na mas swabe kasi ang paggamit ng Encarta. Type mo lang ang topic na gusto mong aralin, ayan na kaagad sa harap ng screen ang hinahanap mo. May panahon nga noon na nagpapaunahan kami ng mga kaibigan ko para makapag-install ng updated version ng Encarta sa mga laptop namin.

o di ba dekada '90 talaga ang encarta!

Naisip ko lang, for the sake of Flashback Friday, kung nagkaroon kami ng encylopedia, buhay pa kaya ang mga ito ngayon o matagal na rin namin naidispatsa?

Hindi ko rin masabi. Kahit marami-rami rin ang mga libro ko ngayon sa bahay – nobela, maikling kwento at iba pa. hindi ko pa rin tiyak kung itatago ko ang encyclopedia. Bukod sa malaking espasyo ang kakainin nito sa bahay namin, ang impormasyong makukuha sa mga reference books, mas malaman kapag bago at updated.  Sa ngayon, makukuha mo yan sa pormang digital.

Mismong may-ari na rin ng Encyclopedia Britannica ang nagsabi “ the move is a natural part of his company’s evolution.”  Ika nga, darating at darating tayo d’yan.

Sa ngayon, hinihintay ko na ang Encyclopedia Britannica na application. Wish ko lang may FREE version ‘to.

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s