Top Ten Pasabog


Wala nang paliguy-ligoy pa. Eto na ang  Top Ten Pasabog!
1. “Pwede ba ko magka-strong teeth parang tiger?”


Kapag tinanong mo yan kay Rio, isang matunog na “grrrrrrr” ang isasagot niya sa’yo. Paulit- ulit kami sa tanong -sagot gimik na yan hanggang pinagsawaan na niya. Kapag tinatanong mo sa kanya ‘yan ngayon, dedma na siya.

Napapansin ko nagiging mahilig si Rio sa TV ads – Nescafe Sweet and Mild (Good morning sa inyo!), Selecta (You and me sitting on a tree K-I-S-S-I-N-G), Rejoice (Gandang Pilipina, Gandang Natural). Kapag naririnig niya ang mga jingles  ng mga ‘yan, nakatitig na siya sa TV.
2.  My 1st birthday wish :  two front teeth

Hindi na kailangang hintayin ang 1st birthday ni Rio. Sa wakas, may ngipin na si Rio! Dalawang ngipin sa baba ang unang tumubo sa ating beybi. Ang tagal din bago lumabas ng mga ngipin niya ah!  May isang lola nga akong nakakwentuhan at very proud siya na may anim (6) na ngipin na ang apo niya at 10 months.  Ganun naman talaga, iba-iba ang development path ng mga bata.

Ngipin equals kagat dede moments.  Yes, madalas na naming struggle mag-ina ‘to. Hindi ko ito masyadong napaghandaan kaya SIGAW talaga ang naging initial reaction ko sa mga kagat ni Rio. Kaya naghanap agad ako ng mababasa para malaman anong dapat kong gawin. Tingin ko kasi mas lalo kong naagitate si Rio kapag sumisigaw ako kaya tuloy lang ang pagkagat niya.  Malaki ang naitulong ng article na ito para mag-cope ako sa mga kagat dede moments.

“pull baby TOWARD you, very close to your breast. This will make it a little hard to breathe, so baby will automatically let go to open her mouth more and uncover her nose to breathe”. Ito ang madalas na pantapat ko sa mga tiger teeth ni Rio.

3.Rio sa  zoo

Ang aga ng field trip ni Rio sa Manila Zoo. Elementary na yata ako nang unang nakatuntong sa zoo. Kaya lang, malungkot at kalunus-lunos na ang kalagayan ng Manila Zoo ngayon. Wala na si giraffe at lion. May mga tigers at monkeys pero ang papayat na ng mga ito. Si elephant naman itsurang papatayin na.

Nag-enjoy pa rin naman kami kahit konti at tamad na ang mga hayop sa zoo. Marami naman kaming nakitang iba’t ibang klaseng ibon. Sa dami nga nila, hindi naligtas si Kuya Choi na mabullseye ng poop nila.

Eto na ang mga “we were here” photos namin sa zoo with Kuya Choi.

Akala ng mga kapatid ko totoong elephant 'yan

Eto na ang totoong elephant!

4.  One lazy night in Bonifacio High Street

May kailangang gawin si Tataystrip sa Bonifacio High Street kaya sinamantala na namin ang pagkakataon para sumabit sa lakad niya. Hindi naman madalas na mararating namin ang soshal na lugar na ‘to.

Enjoy si Rio sa fountain at sa mga ilaw. Kahit sandali lang kami, parang matagal na rin sa dami ng pictures namin ni Rio sa same spot na ito.

Fountain shot with Tatay

This time with Nanay near the fountain

5. High five ba kamo? Appear tayo jan!

 Lahat naman yata ng bata dumadaan sa phase na ito. Iba high five ang moda pero madalas appear talaga ang naituturo sa mga bata.

Si Rio marunong nang makipag-appear. Hindi ko naman kinarir ang pagtuturo nito o baka hindi ko lang napansin. Basta, kakatuwa at nagrerespond si Rio kapag sinabi mong appear, with hand gesture shempre.


6. Playtime = Kalat time

It's Kalat Time!

Mabuti naman at naglalarong mag-isa ang anak mo. Tama kayo, laking ginhawa. Nakakagawa ako ng iba pa habang naglalaro siya sa crib – maglaba, magcomputer, maghugas ng plato, magtiklop ng mga damit at iba pa.

Laking trabaho rin ang playtime ni Rio. Ibang klase ang trip ng bata. Itinatapon lahat ng toys sa floor. Shempre, pupulutin ko at ibabalik ko uli sa crib. Tapon uli. Pulot uli. Walang katapusang tapon-pulot cycle ang playtime ni Rio.  At may bago siyang trip ngayon – tapakan ang mga lauran lalo na yung mga tumutunog.  Baka walang magtagal na toys dito kay Rio. Kaya may toy rotation mode kami ni Tataystrip. Naglalabas kami ng different sets of toys – papalitan na namin ang set kapag tingin namin sawa na si Rio.

Eto ang ilan sa mga favorite toys niya ngayon :

Matalino ang laruang ito! Sinasabi niya kapag mali ang pag-match mo ng vehicles. Favorite ko rin ito, sa totoo lang!

Can I take a picture of you? Rio loves his camera!

Pero ito pa rin ang favorite toy niya sa ngayon. Kasama hanggang pagtulog!

Takip ng tupperware ang favorite ni Rio!

7. Walking 101 

Simula nang binalik namin ang wooden crib niya, nawili na si Rio magpalakad-lakad dito habang gumagabay.  May hand-me-down walker din si Rio na mukhang effective sa pagbuo ng kumpyansa niya sa paglalakad.

Rio with his new toy cum walker! Another pamana from Kuya Diego,salamat!

Tataystrip’s fearless forecast : Ilang pasyal sessions lang ni Rio sa park na may malawak na damuhan kung saan siya pwedeng magpraktis, matututo na siyang maglakad.

Nanaystrip’s wish : Nakakalakad na si Rio sa kanyang 1st birthday sa May.

Pati musical toy ginagamit ni Rio na walker. Atat na talagang maglakad ang beybi natin!
8. Party like it’s the end of the world  (ver.Rio)

Panoorin niyo na lang ang video ni Rio at maki-party party!

May kasabay pang pa-cute eyes si Rio sa video na yan.


9. Happy birthday Lola Els and Tito Josel!

Sinorpresa namin si Lola Els noong birthday niya. Pinapunta namin siya sa bahay para alagaan si Rio. Pagdating namin may dala na kaming birthday cake at pansit para sa simpleng salo-salo.  Hindi rin niya alam na tinawagan namin ang iba pa niyang mga apo para pumunta sa bahay at maki-celebrate. Sana naging masaya si Lola Els sa unang birthday niya kasama si Rio.

Lola Els with some of her apos! We loved the Mary Grace Chocolate Mousse, yummy!

Happy birthday Lola Els!

Nag-birthday din sa bahay ang peyborit tito ni Rio. Instant birthday cupcake from Sonja’s ang gimik namin para kay Tito Josel.

Blow the candle Tito Josel! My Ate Dindin's here too!

Nitong Pebrero nag-birthday din ang dalawang lolo ni Rio.  Kahit hindi na namin sila kasama, alam naming masaya sila sa pagdating ng kanilang bunsong apo lalo na’t kapangalan pa nila!

We love you Lolo Rene and  Lolo Tony!

10. A-ja! Sounds like Na-dia!

Inggit na inggit ako kapag tinatawag ni Rio si Tataystrip ng Ta-ta sabay sulyap kung nasaan ang tatay niya.  Bakit hindi pa ako matawag ni Rio ng Nanay? Minsan naman ang tawag niya sa akin de-de! Kaya nagulat kaming lahat ng sunud-sunod na sinabi ni Rio ang A-ja, A-ja! Sounds like Nadia di ba?!  Ayos!

Abangan niyo sa video ang A-ja. Hindi namin agad na-video yung maraming beses niya itong sinabi. Sayang!

 

Let the countdown begin! Two months na lang at ONE year old na si Rio.  At para sa huling dalawang buwan bago siya mag-ONE,  naisipan kong baguhin ang pasabog series ni Rio.  Pwedeng pipili na lang kami ni Tataystrip ng pinakabonggang pasabog for the month o magsimula na kaming magflashback sa napakabilis na one year journey ni Rio. Kung anuman ang 11th at 12th month pasabog ni Rio, yun ang kailangan niyong abangan.  Sumususpense lang, hehe.

Eto ang photoshoot ni Tataystrip para sa 10th month ni Rio

Rio at 10 months in his Don Rio pose!

 

Bonus Rio Videos. Enjoy!

Ibang klase ka Rio! Nakukuha mo pang humagikgik e nabukulan ka na nga!

Another bungisngis video! Hinahagis at sinasalong diaper ang super nakapagpatawa sa bata, hehe.

 

One thought on “Top Ten Pasabog

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s