FLASHBACK FRIDAY : Batang MARIE (Biskwit Pinoy!)


100 years na raw ang Oreo biscuits ngayong 2012.  Hindi ko masabing “Weh ‘no ngayon?” kasi enjoy naman talagang kainin ang Oreo.  Partida at hindi ko pa nasusubukang i-dunk ang biskwit sa gatas e sarap na sarap na ko.  Paano pa kung partneran ko ng masarap at masustansyang gatas ang Oreo, baka maadik akong bigla.

** Dito sa Pilipinas, ang Oreo commercial, laging mag-ama ang star. Gusto ko ang video sa taas, star ang mga nanay!

Sakto naman sa sentenaryo ng Oreo ang pagkahumaling ni Rio sa Marie biskwit. Mula nang nags0s0lids na si Rio, naghanap na kaming mag-asawa ng Marie. Hindi kami makatiyempo sa mga grocery o kahit tindahan dito sa amin wala na talagang nagtitinda ng Marie. Hanggang naka-jackpot kami sa isang branch ng Save More! Milky Marie nga lang ang pangalan nito pero pasado na sa itsura ( red label/packaging) at hawig na rin ang lasa sa original, mas angat nga lang ang pagka-Milky nito.

Milky Marie version 2012

Bakit ba kami atat sa Marie? Laking Marie o mga batang Marie kasi kaming mag-asawa. Siyempre hindi ko naman matatandaan na pinapakain ako ng Marie nang sing-edad ako ni Rio.  Ang tiyak ko, patok na patok ang Marie sa sari-sari store namin noon.  Suki nito ang mga nanay para pang-meryenda sa mga beybi nila, mga batang nagugutom pagkatapos ang nakakapagod na paglalaro sa hapon o kaya ibabaon sa eskwela at ako na bantay ng tindahan!  At base na rin sa marami-raming naglike ng photo ng Marie na ipinost ko sa facebook, maraming kaedaran ko ang nakakamiss dito at malamang mga laking Marie din tulad ko.

Bukod kasi sa malasa ang Marie, sa pagkakatanda ko, ito ang pinakamurang biskwit sa tindahan namin noon.  Naabutan kong P0.25 sentimo kada balot ang bentahan nito. Kaya madalas apat ang binibili ng mga suki namin para saktong piso.

Hindi lang pinapapakpak ang Marie ng mga bata, ginagamit din ito sa pagluluto. Para sa tatay ko, kulang ang afritadang hipon kung walang Marie at isang bote ng 7-up. Pampalapot ng sarsa ang Marie, kung para saan ang 7-up yun ang hindi ko na matandaan.

Paubos na ang stock namin ng Milky Marie.  Araw-araw ba bamang upakan ni Rio na meryenda, talagang mabilis na mauubos.  Sana lang meron pang stock nito sa Save More para makabili na ako ng  1 month supply.

Isa na lang ang gusto kong malaman :  Anong kumpanya kaya ang nagmamanufacture ng Milky Marie? Wala kasing nakasulat sa packaging e.  ‘Yan ang aking tutuklasin. Abangan.

5 thoughts on “FLASHBACK FRIDAY : Batang MARIE (Biskwit Pinoy!)

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s