FLASHBACK FRIDAY : My 7th Birthday Party (Inspirasyon para sa 1st birthday ni Rio)

Tama ang basa mo, MY party talaga ang nakasulat sa title ng post na ‘to.  Ngayong linggo kasi nagsimula na naming pag-isipan kung paano i-celebrate ang 1st birthday ni Rio sa darating na May.  Surf ako nang surf sa internet ng mga kung anu-anong party ideas at themes pero ang laging panira ng events planner/coordinator mode ko ay ang BUDGET na kailangan. As in zebrang daming gastos ang magpaparty!

Kaya napagtripan kong balikan kung paano nga ba kami mag-celebrate ng party noon. Ano nga ba ang  Omarts-style na birthday party? Malay natin, magdulot ng kaliwanagan ang Flashback Friday trip na ‘to at finally makapagsimula na kaming magplano para sa 1st birthday party ni Rio.

Wala na yatang nakakaalala ng 1st birthday party ko. O kung meron man, tamad na ko magtanong. Kaya ang babalikan ko na lang ay ang one and only time na nagkaroon ako ng birthday party — noong  7 years old ako. Tapos nito, taun-taon may papansit o cake na lang  kapag birthday ko.

Ganito noon kapag sinabing birthday party sa Omarts.

1. Saan nagpaparty? Sa loob ng bahay o kaya sa looban.

Hindi pareho ngayon, wala pa yata sa uso noon ang mag-party sa kalsada mismo. May mga new generation Omarts babies na rin ngayon na sa Jollibee o McDo na rin nagpapaparty.  Basta ako, sa bahay ng Lola ko sa looban ginanap ang 7th birthday party ko.

Birthday party in da haws! Basta may lobo at cake, party party na!

2. Sinu-sino ang imbitado? Mga kapitbahay at kamag-anak lang.

Hindi pareho ngayon, madalas humahaba ang guest list dahil sa mga kaklase ng anak o kaya mga anak ng kaklase/kaibigan ng mga magulang.  Mala-family reunion noon kapag birthday party. Ngayon, may mga kamag-anak pa rin naman sa mga birthday parties na naattendan ko pero mas marami na ang friends ng mga magulang.

mga pinsan ang bisita

3. Anu-ano ang handa o putahe? Pansit o spaghetti, cake, hotdog w/ marshmallows on sticks na nakatusok sa repolyo, fried chicken, ice cream, solb na!  Madami na nga ang handa kapag ganyan e.

Hindi pareho ngayon, buffet mode o talagang pa-cater ang moda kung hindi man fastfood menu ang nakahanda. May mga additional gastos pa na  ice cream at candies all you can  na gimik ngayon sa mga birthday parties.

Ang aking 7th birthday cake from Lolo and Lola

4.  May games ba? Oo naman. Trip to Jerusalem, pabilisang uminom ng softdrinks, pabitin at iba pa.

Hindi pareho ngayon, bukod sa games ay sangkatutak na ang pakulo – may magicians, clowns, pantomimes at iba pa. May mga dagdag gimik  na rin para sa mga kids tulad ng face painting, balloon making, photobooth at marami pang iba.

Partner-partner na sa pag-ubos ng softdrinks!

Chalk at pinto lang ang katapat may game na! Draw the cat's tail!

Ang tanda ko Math drill ang game na 'to. Unahan mag-solve ng addition, subtraction, multiplication, division questions. Geeky game!

5. Anong souvenir o token para sa mga guests?  Lobo at pabalot ng handang cake. 

Hindi pareho ngayon, kailangan meron pang token sa mga bisita. Madalas binibagay ang souvenir sa theme ng party.

Tiyak may mag-uuwi ng mga lobong yan pagkatapos ng party!

Sintensyahan na ang cake na yan para makapag-uwi na ang mga bisita at makapagdistribute na ng mga slices sa mga kapitbahay

 

O di ba, simple lang ang Omarts-style birthday party pero happy pa rin ang lahat lalo na ang mga kids.

At yan ang inspirasyon ko sa 1st birthday party ni Rio. Gawing simple pero dapat tiyaking masaya ang lahat ng pupunta.

6 thoughts on “FLASHBACK FRIDAY : My 7th Birthday Party (Inspirasyon para sa 1st birthday ni Rio)

    • salamat sa pagbisita! medyo mas bumongga ang 1st birthday ni Rio kaysa 7th birthday party ko,hehe. Hindi ko pa masyadong naikukuwento dito. Promise, bago siya mag-2 years old, maipopost ko na ang 1st bday party ni Rio. Send mo ko ng pics at konting kuwento sa birthday ng baby mo this month ha. dalaw ka lagi dito. salamat uli:-)

      Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s