FLASHBACK FRIDAY : Cyndi Lauper ( Para sa mga manonood ng concert niya sa March)

Kung batang 80’s ka, tiyak kilala mo si Cyndi Lauper.  Kayang-kaya mo ring kantahin ang mga hits niyang “Time after Time” at sabayan pa ng sayaw ang “Girls Just Wanna Have Fun.” Medyo hardcore fan ka na kung nag-ala Cyndi Lauper ang hairdo mo o in short kinarir mo ang kanyang “loka-loka look.”

 

 

Cyndi vs Madonna

 

Rivalry kung rivalry silang dalawa noong dekada ’80. Parang Nora vs Vilma ng Pinoy showbiz ang dating ng rivalry nila sa akin. Kung may Material Girl si Madonna, may Money Changes Everything naman si Cyndi. Kung slow, senti at love mode ka naman, pumili ka sa Crazy for You ni Madonna o Time after Time ni Cyndi.

 

Walang dudang mas maraming hits si Madonna kumpara kay Cyndi. Pero hindi rin naman pahuhuli ang mga hit songs ni Cyndi tulad nga ng Girls Just Wanna Have Fun, Money Changes Everything, She Bop, at Time After Time. Tumatak din ang mga kantang ito kaya naman hanggang ngayon may mga bagong singer pa rin ang nagko-cover ng mga kanta ng pop music icon (tulad ni Miley Cyrus – Girls Just Wanna Have Fun).

 

Sa pagkakaalala ko, mas Madonna ang mode ko nang bata ako pero bet ko rin ang mga kanta ni Cyndi Lauper.  At hindi ko lang matandaan kung sa school o sa piyesta sa amin sinayaw ko ang isa sa mga kanta niya.

 

Super love ko pa rin si Cyndi kahit noong nasa kolehiyo na ako. Lagi kong rekwes sa kaibigan kong gitarista ang Time After Time at kahit di kagandahan ang boses ko, go lang ako nang go. Natuwa rin ako noong napanood ko si Cyndi na kinanta yung Strawberry Fields Forever sa isang tribute para kay John Lennon noong 2001.

 

 

 

Cyndi Lauper Live in Manila sa March 17, 2012

 

Sugod na mga batang dekada ’80 sa Smart Araneta Coliseum sa darating na March 17! Darating uli si Cyndi Lauper sa Manila para mag-concert dito                ( dumalaw na pala siya sa Pinas, 23 years ago).

 

Cyndi at the Big Dome this March

 

May kamahalan nga lang ang presyo ng tiket kaya para sa mga dukhang tulad ko, maging masaya na lang sa mga youtube videos ni Cyndi Lauper. At least sa mga video na yun, fresh na fresh pa rin ang trademark “loka-loka look” ni Cyndi Lauper – lampaso ang kaweirduhan nina Lady Gaga at Katy Perry!

 

 

 

Pahabol lalo na sa mga fans ni Cyndi Lauper na mga nanay na ngayon. Basahin ninyo ang article na ito ni Ricky Lo. Happy and proud nanay din pala ang loka-lokang si Cyndi!

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s