Nueve Suave Pasabog


Hala! Ilang araw na lang at Marso na pero ngayon lang ako makakapagpost ng Nueve  Suave Pasabog ni Rio. Madalas kasi ang bed weather nitong mga nakaraang araw. Naks, nagdahilan pa. Eniwey, eto na ang mga pasabog ng aming growing baby boy, enjoy!
  1. Rio in da haws

Malaki ang hirap ni Tita Liza  sa aming mag-ina.  Kaya sakto lang na sa ispesyal na araw niya namin isabay ang unang tuntong ni rio sa Barrio San Jose. Asa tummy ko pa lang si Rio, inaalagaan na niya kaming dalawa. Substitute nurse siya ng tatay ni Rio sa araw-araw na pagturok sa akin ng  Heparin.  Tita Liza, happy 44 th birthday sa’yo! We love you!

Happy birthday Lola este Tita Liza!

Nakilala na rin ni Rio ang mga batang looban sa kanyang unang dalaw.  Parang gustong sabihin ni Rio : “Hintayin niyo ko maglakad, maghahabulan tayo sa looban!”

Big girls na sina Cyronne at Charisse

Mr. Pogi na si Popoy

2.  Babay

At marunong na nga mag-babay si Rio. Kapag lalabas kami ng bahay, excited na siya at todo babay na kay Tatay. Tingin ko, bukod sa makulit  talaga ako sa kakaturo sa kanya, natuto siyang mag-babay  dahil mas dumalas na rin ang paglalayas niya. Meron na siyang konsepto ng pag-alis ng bahay. Kaya madali na lang niyang napagdudugtong na pagkatapos magbihis at magsapatos, ang pagbabay na ang kasunod – laboy na!

Tatay and Rio in one of our unplanned lakwatsas

3. Rio’s 1st  train ride

Salamat at may reserved seats para sa mga pasaherong may dalang bata sa LRT-1 ( Baclaran-Roosevelt). Walang hassle ang pagsakay namin sa tren – lagi kaming nakakaupo kahit na minsan siksikan pa rin.

Picture muna while waiting for the train

Keeping Rio warm in our pouch ( Going home train ride )

Nakasakay na rin kami sa MRT (Taft Station-North Ave) noong nagpunta kami sa Grand Baby Fair sa Megamall.  Medyo mahirap ang may kasamang bata sa MRT kahit pa may nakalaan para sa mga babae at senior citizens. Mas gusto ko yung sistema sa LRT 1 na may ilang seats talaga na nakalaan para sa mga pasaherong buntis, senior citizen at may dalang bata.

Rio in MRT

Sanay na si Rio na sumakaya sa tren. Noong una, nagugulat pa siya sa warning buzzer ng pintuan kapag magsasara na. Ilang sakay pa, nasanay na rin siya. Ginugulo na niya ang mga katabi naming lolo, lola , preggy mom o batang karga ng nanay.

4. Ate and Tatay

 

May dalawang salitang medyo malinaw nang nasasabi ni Rio. Ate at Tatay.  Magiliw na siya kay Ate Dindin                     ( pamangkin ko) kaya kapag nagrerekwes kaming sabihin niyang Ate sinusunod naman niya kami. Kaya lang parang TV patrol ni Kabayan Noli de Castro ang delivery niya. Isang mahabang A—- after 2-3 seconds pa ang kasunod na –te! Ayos!

Kainggit talaga at nasasabi na ni Rio ang Ta—ta with matching sulyap kung saan man nakapwesto si Tataystrip. Nakuha ko yun sa tiyaga. Hulaan niyo ang paminsan-minsang tawag ni Rio sa akin. Tama ! De-de!

5. Rio’s favorite tambayan  

Si Tataystrip ang nakaisip ibalik ang wooden crib.  Mas makakapagpraktis daw dito si Rio gumabay kasi makakahawak siya sa mga kahoy kaysa dun sa playard niya. At matapos ang ilang araw o linggo, expert na si Rio at na-explore na niya ang wooden crib. Eto na ang kanyang paboritong tambayan. Masaya ako hindi lang dahil nakakagabay na si Rio    ( prelude to walking daw),  happy dahil nailalapag ko siya sa crib para makagawa ng iba pang mga bagay sa bahay.

japorms pa habang tambay pogi sa crib

lately lang nadiscover ni Rio ang"ibalik niyo ko sa Pilipinas"sitting position na ito

6. Give it to nanay/ tatay

 

Pinapraktis pa ito ni Rio.  Makailang beses pa lang namin sinubukang magpaabot kay Rio. Minsan inaabot niya, pero mas madalas pang deadma ang moda niya. Lalo na kapag hawak ni Rio ang remote control ng TV. Pahirapan ang pagkuha nito sa kanya. Magugulat  na lang kami nasa screen na si Ely Soriano ng Ang Dating Daan! Amen!

 

7. Ang Paksiw Bow!

 

Ito talaga ang tunay na pasabog as in mabahong pasabog ni Rio! First time namin naexperience na magkadiarrhea si Rio. Hindi naman malala kaya pinakain lang namin siya ng saging, tinapay at peras. Iwas muna kami sa papaya. At ano naman ang sanhi nito ? Paksiw na pata lang naman ang kinain niya bago ang masangsang na pangyayaring ito. Sarap na sarap pa naman si Rio at first time niyang kumain ng mashed meat.

Mukhang hindi pa ubra ang putaheng vinegar ang main ingredient. Okay, paksiw can wait.

 

8. Rio’s  First long trip : It’s more fun in Vigan!

Yes! Sa Ilocos Sur nag-celebrate si Rio ng kanyang 9th month.  Sakto sa 90th birthday party ni Lolo Inciong.

9 month old baby Rio & 90 year old Lolo Inciong

Swabe lang ang long trip ni Rio.  Gabi kami bumiyahe kaya sabay lang sa tulog ni Rio. Gumigising lang siya kapag gutom at pagkatapos dumede ng baby, tulog na ulit. Nagising na lang siya, nasa Ilocos na kami! Winner!

Our "We Were Here" photo-op @ Baluarte

@ Crisologo Street in Vigan

Tataystrip chasing the light in Narvacan Grotto. My favorite shot!

More of Tataystrip’s sunset shots here.

In action.

Take a peek of Tataystrip’s infrared shots here.

Nasubukan na ni Tatay at Nanay ibyahe nang mahaba si Rio. Lagot!   Ang wish namin : more long trips this year.

 

9. Rio’s 1st dagat adventure

Sinigurado ng mga taga-Ilocos na hindi aalis si Rio nang hindi nakakalublob sa dagat.  Nag-enjoy nang bonggang-bongga si Rio. Walang katiting na takot o iyak si Rio habang dahan-dahan na pinapaexperience sa kanya ni Ninang AL ang tubig dagat. Pero siyempre, sandali lang namin pinatikim si Rio ng dagat  at baka ubuhin na siya. Di bale Rio, marami pang next time.!

Enjoy sa dagat ang bata!

Rio with Ninang and his Kuyas

Hanggang sa March para sa Top Ten Pasabog ni Rio.

Note: Nakakapressure na at 2 buwan na lang, ONE year old na si Rio. Party, Party na!!!!

Heto pala ang photoshoot ni Tataystrip for Rio’s 9th month! Walang cake this month, I Love Vigan shirt na lang ang kapalit. Hehe.

Our growing baby with his I Love Vigan shirt.

Shempre hindi mawawala ang Nanay and Rio monthly shot

One thought on “Nueve Suave Pasabog

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s