FLASHBACK FRIDAY : Got my Mojo working

Salamat sa Pinterest at sa My Style na board dito, nagflashback sa akin ang college favorite footwear ko.

Maraming pagpipiliang straps noon. Kaya lahat naka-mojos sa tambayan, iba-iba lang ang straps.

Saan ka man tuminging tambayan noong dekada ’90, may makikita kang naka-mojos. Kapag line of 9 and student number mo, hindi malayong nagsuot ka nito kahit minsan noong college days mo. Madalas ang konotasyon kapag naka-mojo, mountaineer o aktibista ka. Kasi naman, tamang-tama ang mga tsinelas na ‘to pang-akyat sa bundok, pantakbo kapag may dispersal sa rally at panlakad sa buong kampus kapag pauwi ka na sa dormitoryo galing sa klase mo sa building sa kabilang ibayo.

Tanda ko pa kung saan kami bumibili ng Mojo — doon sa isang gym sa may Tandang Sora sa likod ng grocery ( hindi ko na nga lang maalala ang pangalan ng grocery,hehe). Meron naman nagtitinda nito sa loob ng kampus pero parang mas authentic kapag doon ka sa gym bumili.

Marami nang naglabasan ngayon Tribu, Sandugo at iba pa pero kung babalikan ko ang sandals mode ko, sana makahanap pa rin ako ng Mojo, for more nostalgia effect.

Pahabol: Those were the days na nakakapag-shorts pa ko with my Mojos. Tattered denim shorts at plain white shirt lang ayos na! Sibat na papuntang klase.

Ooops, hindi ganito ka short shorts ha.

Important Note: Wala na akong ma-search sa Google na mahaba-habang tattered denim shorts kaya ganito kaikling shorts ang na-post ko. Di hamak na mas mahabang shorts ang suot ko dati. Hehe.

2 thoughts on “FLASHBACK FRIDAY : Got my Mojo working

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s