EAT malunggay, SAY “I have milk!” and LOVE your baby

“Welcome to the Milk Mama Diaries Carnival (February). For this month, we focus on back to basics. Participants will share advices – either the best breastfeeding advice they received OR/AND the best breastfeeding advice they can give to new moms.  Please scroll down to the end of the post to see the list of carnival entries.”

Hindi ako handang mag-breastfeed.

Noong buntis ako, mas pinagkaabalahan ko ang aking kundisyon — meron kasi akong APAS (anti-phospholipid antibodies syndrome) at GDM ( gestational diabetes melittus). Sa araw-araw na injection at pagkontrol ng pagkain naubos ang oras ko kaya’t wala talaga sa aking priority list ang maghanda para sa breastfeeding.

Pero isang walang kagatul-gatol na “Yes, I will breastfeed,” ang naging sagot ko nang itext ako ng aking pediatrician friend kung may plano akong mag-breastfeed.

Ang numero unong payo ko :  Be resolved!

Rio's "Yes to breastfeeding" pose! BE RESOLVED!

Kapag resolbado kang mag-breastfeed, lahat gagawin mo para matuloy ito.  Magkaroon ka man ng sore nipples, puyat man sa madaling araw o nagkakaproblema sa milk supply, lahat ‘yan kayang-kaya mong lagpasan basta desidido ka.

“Wala o kulang na kasi ang gatas ko,” eto ang madalas na  naririnig kong dahilan ng maraming nanay kung bakit hindi o sandali lang sila nag-breastfeed. Sana makatulong ang mga tips kong ito para hindi agad sumuko si Nanay.

EAT malunggay.

Kulang na lang ngatain ko ang sariwang malunggay. Maglagay ng malunggay sa lahat ng luto lalo na sa mga may sabaw. Epektib talaga ‘to. Sa mga may budget, nakakabili sila ng mga lactation cookies pero sa mga sakto lang ang kita, isang tali lang ng malunggay na ihahalo natin sa putahe tulad ng tinolang manok, ayos na ayos na!

May tinuro rin ang ate ko sa aking luto sa malunggay. Madali lang itong ihanda at tipid pa. Wala pang P30, may sabaw ka na para sa buong araw, marami pang gatas para kay beybi. Kapag kumakain na si beybi ng solids, pwede nang i-share sa kanya ang kalabasa. Law-oy ang iluto niyo para sa mas maraming gatas.

SAY “I have milk!”

Sabi nga ng pedia-friend ko noong beybi pa si Rio, hangga’t umiihi si beybi at may tumutulong gatas sa isang dede habang nag-breastfeed ka sa isa, sakto lang ang milk supply mo.

Huwag mong pagdudahan ang kakayahan mong gumawa ng gatas. Ang mahalaga, lagi kang mag-breastfeed at mag-pump naman kung hindi mo kasama si beybi.

Uminom din ng maraming tubig. Humigop ng sabaw at isigaw, “I have milk!”

LOVE your baby.

Given na ‘to sa ating mga Nanay. Tandaan na lang natin na ang ating gatas ang isa sa pinakamahalagang regalong maibibigay natin sa kanila.  Ang love na ito rin ang nagiging inspirasyon natin para patuloy na mag-breastfeed, gaano man karami ang nasasalubong nating problema sa proseso.

Kaya sa mga Nanay, EAT (malunggay) , SAY (I have milk!) and LOVE, LOVE, LOVE !

Rio at 9 months and still breastfeeding! Yey!

Happy to be part of this blog carnival. Enjoy reading these great posts from great moms!

The Articulate Pen’s Breastfeeding needs Patience

Diapers and Stethoscope’s Back to Basic

My Mommyology’s What I’ve Learned About Breastfeeding

Ms. Masungit’s From One Mom To Another

The Odyssey of Dinna’s Breastfeeding Words of Wisdom

Mrs. Bry126’s We’re All in this Together

I Am Clarice’s Paying it Forward

My Mommy Kwentos’ Sharing My Favorite Breastfeeding Advice

Planet Marsy’s Better Than None

Mommy {T} Coach’s Saved by the Nursing Mommas

Mama Drama’s Patience and Breast-friends

Adventures on Planet Mom’s Stubborn Me! Sure Glad I didn’t give up

Nanaystrip’s Eat Malunggay, Say “I Have Milk” and Love your Baby

Starting at Twenty-Five’s My Husband’s Best Breastfeeding Advice

Nanay *Loves* Purple’s Why Attend Breastfeeding Class/Seminars

Truly Rich Mom’s My Top 5 Breastfeeding Tips for New Moms

Legally Mama’s Take it from the non-expert!

Mommy Mama Rat’s My Breastfeeding Mantra

Mr. Jacob’s Mom’s Breastfeeding Tips from a Non-Breastfed Mommy

Hybrid Rasta Mama’s Breastfeeding Lists, Advice, Links and More

Apples and Dumplings’ One Word of Breastfeeding Advice

Touring Kitty’s Just Do It

EthanMama’s Only the Best for My Baby

the canDIshhh tales’ My Breastfeeding Advice

Mec as Mom’s Enough is Enough

Chronicles of a Nursing Mom’s On Breastfeeding Number Two – Redux

30 thoughts on “EAT malunggay, SAY “I have milk!” and LOVE your baby

  1. Pingback: Breastfeeding needs Patience | The Articulate Pen

  2. i believe in the wonders of malunggay. super effective din sakin🙂 also agree with you that low milk supply shouldn’t be a reason to quit breastfeeding🙂

    Like

  3. Pingback: We’re all in this together! « Mrs.Bry126

  4. Pingback: Only the best for my baby! « Ethanmama

  5. Pingback: What I’ve Learned About Breastfeeding | My Mommyology

  6. Pingback: My It’s-Not-All-Be-All Breastfeeding Mantra « Mommy Mama RAT

  7. Everytime we’ll have feeding sessions, I always tell myself and my baby that “mommy has milk, mommy has milk!”🙂 malunggay is also very effective for me.. It’s nice that there are different food choices with malunggay such as pastillas and ice cream!

    Like

  8. Pingback: Just Do It! « Touringkitty

  9. Ganyan din sabi ng pedia namin. basta’s umiihi at may poop si baby, patuloy lang. sabi rin niya uminon ng 1-4 litrong tubig lalo na pag ka nasa mga unang araw pa lamang matapos manganak. Ginawa ko yan pati ang pagkain ng malungay. Lagi ko request yung tinolang manik with malunggay, sarap syang i partner sa porkchop:)

    Like

  10. Pingback: Better Than None | My Blog

  11. Pingback: Breastfeeding Lists, Advice, Links, and More Hybrid Rasta Mama

  12. ee bakit po ako . LAgi nmAn po akong nag mamaLunggay sa bahay . perO kunti paLAng po tLAga ang gatas na LumaLAbas sakin ? naawa na po ako sa anak ko .tSsk .😦 2 weeks and 1 day na po sya pRo hanngang ngayOn hindi pa po sya na sa satisfied sa gatas ko ?😦

    Like

  13. True papagatas ang malunggay… proven and tested na yan favorite ko din yan… kaya nga ako nag papabreastfeed dahil din sa malunggay masustansya.

    Ms. Baquero

    Liked by 1 person

  14. Pingback: Breastfeeding Tips from a Non-Breastfed Mommy - Mommy Roxi

  15. Di ako makapagpasuso ksi ung utong ko may problema. Masyadong malaki at kpag nadede ung baby ko para syang nalulunod sa laki ng utong ko. Pano bang gagawin ko

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s