FLASHBACK FRIDAY : Classic Champorado

Hindi ko magawang magsawa sa champorado. Ngayong linggo, tatlong umaga ko na itong almusal. Isang bowl ng champorado at dalawang mainit na pandesal, solb na ko!

Paborito talaga ng pamilya namin ang champorado. Kaya lang, lumaki kami sa instant champorado, hindi yung niluluto ang malagkit at tsokolate.

Ito ang lagi naming niluluto. Hindi pa ganito ang packaging noon.

Champorado Cheka ngayong Flashback Friday:

– Kapag bumabagyo, walang pasok at minsan brownout, ang tiyak na rekwes naming almusal CHAMPORADO!

– Laro naming magkakapatid na kortehan ng initial ng mga pangalan namin ang binubuhos naming gatas sa champorado. Minsan, naglalaro rin kami ng iba’t ibang hugis sa aming bowl.

Letter N lagi ang ginagawa ko!

– Mas masarap para sa akin ang malamig na champorado. Kapag may natira kahit sobrang konting champorado, ilalagay ko agad yun sa pint ng ice cream at ilalagay sa freezer. Merienda ko yun sa hapon! Perfect!

Mahihilig din kaya si Rio sa champorado? Pero dapat hinay-hinay lang at may katamisan ang paborito kong ito. Promise, isang beses na lang ako magchachamporado sa almusal next week.🙂

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s