Our 1st Grand Baby Fair Experience

Patingin-tingin,di naman makabili.
Walang ibang pera, kundi pamasahe.
Nakayanan ko lang,pambili ng isang kahong Cycles!

Sakto ang kantang yan ng Yano sa first Grand Baby Fair experience naming mag-anak kanina sa SM Megamall. Hindi talaga swak sa budget ang mag-shopping ngayong paparating ang mga bills. Talagang yung prize ko lang galing sa @BabyCompanyPH ang ipinunta namin doon. (Sumali kasi ako sa contest nila sa Twitter. Maswerte naman at napili yung tweet ko).

Papalakad pa lang kami papunta sa venue,sunud-sunod na ang mga pamilyang nakakasalubong namin na tiyak galing sa Baby Fair. Naging familiar scenes sa Megamall ang mga naglalakad na mag-asawa, pwedeng preggy moms with their supportive husbands, isang buong pamilya – si mommy ang may bitbit ng mga shopping bags, si daddy ang may hila ng stroller with baby habang nakasunod ang buong angkan.

Box office hit talaga ang Grand Baby Fair! Maraming tao pero organisado. Pagkapirma ko pa lang sa registration, tinuro na ko sa booth ng MomCard para hanapin doon si Mam Gwyneth at i-claim ang aking prize. Ilang minuto lang dumating na si Mam Gwyneth at nakuha ko na ang aking prize — one gift pack from tiny Buds!

Umikot muna kaming mag-anak. Tutal babywearing mode naman si Tataystrip kaya pwedeng bitbitin si Rio kahit matagal. Napatigil kami sandali sa activity center. Ang cute ng mga mon and baby pairs sa stage na nag-eenjoy sa mga activities. Ang host ay si Gladys Reyes with her sobrang cute kiddos.

Sa pag-iikot namin talagang kapansin-pansin ang bagsak presyo ng mga products. Lahat 20-70% off! Halimbawa, yung Bumbo playsitter na niregalo ng ninong ni Rio sa kanya, P3,400 yata yun sa Mothercare Trinoma, sa Baby Fair P2,400 lang! Yung tanging binili namin na Cycles detergent for baby’s clothes ay P211 lang kumpara sa regular price na P264!

Sabi ko nga kay Tataystrip sana nagpunta tayo last year noong naghahanda pa lang tayo ng hospital bag at few stuff para sa paglabas ni Rio. Few stuff lang talaga kasi sangkatutak ang hand me downs na sobrang napakinabangan ni Rio mula sa mga kaibigan at kamag-anak.

Balik tayo sa “maraming tao pero organisado” na description ko sa Baby Fair na ito. Bilib ako sa sipag ng mga staff na matiyagang nag-aayos ng pila sa cashier/counter. Tinitiyak talaga nilang maayos yung pila, magalang nilang pinapamove forward ang mga shoppers at ang favorite ko, namigay sila ng mga orange candies na childhood favorite naming mag-asawa! Galing ng mga organizers! Akala ko sobrang matatagalan ako sa pila, e isang item lang naman ang binili ko. Mabuti naman at mabilis, nakabayad at nakalabas ako kaagad.

Na-enjoy namin ang first Grand Baby Fair experience kahit bitin sa oras at lalo na sa budget. Masaya lang ako na bitbit namin si Rio at naging mas enjoy ang simple Sunday family date namin. Sana lang next year, makapag-ipon na kami bago ang Grand Baby Fair 3!

Teka,teka! Kailangan ko pa kaya ng manual breast pump sa January 2013?! Hehe.

20120130-091623.jpg

20120130-091656.jpg

20120130-091752.jpg

One thought on “Our 1st Grand Baby Fair Experience

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s