Eight Watchamakulit na Pasabog

Long playing na ang holidays namin. Ayaw paawat. Pagkatapos ng pasko’t bagong taon, 8th month naman ni Rio (January 5). Said na ang budget kaya naman simple lang ang gimik –  monthly photoshoot with tataystrip at cake para kay Rio. Mamaya na ang mga litrato, eto na muna ang Eight Watchamakulit na Pasabog ni Rio.

  1. If you’re happy and you know it, clap your hands!

Sa wakas nag-payoff rin ang walang sawang panonood namin sa You Tube ng mga frogs na kumakanta nito.  Marunong na si Rio pumalakpak at hobby niya na ito as in.

Pagkatapos dumede, clap your hands. Pagkagising, clap your hands. Pagkatapos kumain ng solids, clap your hands.  Take note: Hindi lang basta palakpak, may sound at malutong pa na palakpak.

 2. Beh buti nga, beh buti nga! 

Mukhang dumadaan naman talaga ang mga baby sa “Michael Jordan Labas-Dila” phase na ito. Natuto na nga rin si Rio dumila pero hindi naman niya ito madalas ginagawa. Inaabangan ko pa ang mga bagong ‘beh buti nga moments’ ni Rio. In the meantime, etong sa’yo :

Behhhhh!

         3. Rio’s First Christmas

Isa sa mga gusto ko para sa unang pasko ni Rio ay makagawa kami ng Christmas photocards. At hindi naman kami sumablay this time. Nakagawa kami ng 2 versions at naipamigay namin ito sa mga ninong at ninang ni Rio, kamag-anak at kaibigan.

Masaya rin ang mismong Christmas Day for Rio. Maaga pa lang binihisan ko na siya para mamasko sa mga kamag-anak cum kapitbahay namin. Hindi ko nga nakarir ang tagubilin ng nanay kong turuan ko si Rio mag-bless para mas patok ang pamamasko. Sinabay na rin namin sa kanyang pamamasko ang pag-distribute ng Christmas gifts naming per family at pamimigay ng Christmas photocards.

Hulaan ang laman ng mga 'to. Organic Salted Duck Eggs from Rio para sa mga kamag-anak!

Rio with nanay-to-be Tita Dana

Time out muna sa pamamasko. Rest sandali tapos hataw uli!

Rio’s 1st Christmas trivia : Sino ang nagbigay ng 1st aginaldo kay Rio? Si Tito Chiqui ang buena mano! Salamat!

Dalawang Christmas parties ang napuntahan ni Rio. Nakilala na siya ng mga high school friends ni Nanay at mga kids nila. Ang saya lang ng feeling na may bitbit na rin akong anak sa ganitong mga events. Saya! Next year makikitakbo at makikipaglaro na si Rio sa kanyang mga ate’t kuya.

Love you girls! III-Linnaeus Nerds and their kids

 

4. Kasal, Kasali si Rio

Biglaan lang ang pagpunta namin sa kasal nina Casey at Melissa.  Pamangkin ko si Casey at nagrekwes ang nanay niya (pinsan ko) na dapat may representative kada pamilya. Hindi ubra ang kuya ko kaya kaming mag-anak ang dumalo. Enjoy kami sa unplanned lakad na ito lalo na sa reception, sa Plaza Ibarra sa Timog. Sarap ng food!!!

Mabuhay ang bagong kasal! Casey and Melissa

Ito ang first wedding na napuntahan ni Rio. Bininyagan namin ang hand-me-down stroller niya.  Sa wakas, nakatikim din ito ng gala.

Naging crib ni Rio ang stroller!

Sa reception, naghanap kami ng pwedeng makain ni Rio. Buti naman at may putaheng may kalabasa at carrots. Go! Kain lang kung kain ang bata. Bilib ang mga kasama namin sa mesa – magana at madali raw pakainin si Rio.

Group picture with the newlyweds at the reception

Rio with Lolo Diko

Hinihintay ko na ang araw na totoong kasali na si Rio sa kasal. Siyempre ring bearer muna, hindi pa groom no! Tiyak ko stage mother ang drama ko habang naglalakad sa aisle si Rio na nakabarong.

5. More syllables, more exciting!

Hindi lang exciting ang pagdami ng syllables ni Rio, nakakagulat as in naa-amaze kaming mag-asawa.

One time-big time moment lang naman ito pero tingin ko worthy na mailista sa kanyang monthly pasabog.

Nanggigil siya habang dumede kaya napasigaw ako “SAKIT!” , sabi naman niya “—KET!”.

Pagkatanggal ng bibig niya sa dede ko, dumuwal at sinabi ko, “Ayan, LUNGAD,!” Parang nang-aasar na sinabi niya, “—NGAD!”

Inasar ko rin siyang “PARROT!”. Talagang ayaw patalo at sumagot ng “—OT!” .

Sabi ko BAD BOY siya kasi gabi na’t ayaw pang matulog – sabi niya BA-BOY!

6. Happy 2012!!!

Isang malaking palaisipan sa aming mag-asawa kung masusurvive ba ni Rio ang putukan dito sa aming lugar. Saan kaya siya pwedeng mag-stay habang nagpuputukan? Makatulog kaya siya kahit hindi na magkandamayaw ang paputok sa paligid?

Wa epek! Gising na gising at enjoy pa si Rio sa ingay. Magkakasama kaming sumalubong sa 2012 sa labas ng bahay. Nanood si Rio ng fountain sa kalye at mga pailan-ilang fireworks sa langit. Walang iyak si Rio habang nagpuputukan. Kusa na lang siyang inantok. Habang nakikain ako ng Media Noche sa ibang bahay, napansin ko na lang na tulog na si Rio. Mga bandang ala-una na rin yun ng madaling araw. Pag-uwi namin sa bahay – bagsak si Rio, tulog kang bata ka!

Rio&Tatay habang naghihintay mag alas-12

2012 na! Happy new year!!!!

7)  Sit down , on my own

“Hindi pa po umuupo mag-isa si Rio,” eto lagi ang sagot ng praning na nanay ni Rio tuwing checkup niya sa pedia. Feeling ko delayed na delayed na ang anak ko dahil hindi pa siya naupo nang walang suporta. At eto na nga, pinagbigyan na ako ni Rio. “Nanay, look I can sit on my own!” Wag ka na praning!

 

8)  Giddy up! Stand up!

Tamang-tama talaga at hinuli ko sa listahan ang pasabog na ito! Kanina lang na-capture naming ang stand-up moments ni Rio sa wooden crib niya. Tama! Ibinalik nga naming ang kanyang wooden crib at tiniklop muna ang playard. Sa tingin ni tataystrip, mas makakatulong kay Rio na may mga mahahawakan para masuportahan siya habang nagpapraktis tumayo , gumabay at lumakad sa loob ng crib.

 

Parang sinasabi lang ni Rio, “Humanda ka na Nanay sa pagsakit ng balakang mo, malapit na ako lumakad!”

Hanggang sa susunod na buwan — abangan ang Nueve Suave Pasabog sa darating na Pebrero!

Heto na ang photoshoot nina Rio at Tataystrip. Enjoy!

 

 

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s