Standard

Nanaystrip’s Christmas Shortlist Update#2

Burado na ang Christmas wish #2 ko!

May Christmas tree sa bahay namin, isa itong himala! Hindi ko na kasi tanda kung kailan kami huling nagtayo ng Christmas tree. Mas pinipili pa naming magkabit ng Christmas lights sa may gate kaysa mga decors sa loob ng bahay.

Iba ang Paskong ito. Unang Pasko ito ni Rio kaya gusto kong maraming bagong maganap. Isa na nga rito ang pagtatayo namin ng Christmas tree. Tiniyak din naming magiging simple pero makabuluhan ang unang Christmas tree na makikita ni Rio.

Sa lahat ng mga na-search ko sa internet, napili kong gawin ang cardboard Christmas tree. . Tipid na, mapapakinabangan pa yung mga karton sa bahay at higit sa lahat do-it-yourself ang moda nito. Mas masarap titigan kasi alam mong pinaghirapan niyo itong gawin.

Siyempre pa, si tataystrip ang kumarir ng paggupit ng karton para maghugis puno. Binalutan niya ng gift wrapper at naglagay ng mga simpleng pasabit.

20111209-001516.jpg

Unang Pasko ni Rio kaya siya dapat ang star ng aming Christmas tree.

20111209-001622.jpg

Recycled ang mga pasabit na ginamit namin. Mga dekorasyon din namin yan noong binyag ni Rio. Yung mga bird decors ginamit sa photo wall ni Rio at yung mga photo frames (corrugated paper) naman ay para sa centerpieces.

20111209-001941.jpg

Eto ang final output naming mag-asawa. Nilagyan namin ng paikot na silver at green & red ribbons sa paligid para medyo bumongga naman.

Mga regalo na lang ang kulang!

Maligayang Pasko sa inyo!

Pahabol: Kapag tinatanong namin si Rio kung nasaan ang star. Titingin siya sa itaas ng Christmas tree, doon sa mga litrato niya.

2 thoughts on “Nanaystrip’s Christmas Shortlist Update#2

  1. ang kyut naman!! sempre dapat may christmas tree para kay baby di ba? meron na rin kaming puno, kahapon lang din namin sinabitan ng dekorasyon. dito kasi sa alemanya kadalasan mga ika 22 o 23 na ng disyembre lumalabas ang mga puno e. pero kakahinayang naman na ganun lang kaiksi yung dekorasyon di ba? eto lang, meron kaming makulit na aso so sana matatag ang puno namin sa kakukulit ng aso para umabot ng pasko😀 salamat sa pagdaan sa aking bahay!

    Like

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s