Nanaystrip’s Christmas Shortlist Update #1

Burado na ang Christmas Wish #7 ko! 

Nakapag-Book Sale na kaming mag-ina at naibili ko na rin si Rio ng kanyang first books. Siyempre pa, kelangan may patunay na nakatapak nga kami sa Book Sale. Tatay, picture, picture, please!

Ox ba ang "Rio and Nanay were here" pose namin?

Hindi kami masyadong nakaistambay nang matagal para maghalungkat ng libro para kay Rio. Iba na nga talaga ngayon! Dati mabigat na backpack lang ang kalaban ko kapag naghahanap ng libro. Ngayon si Rio na ang bitbit ko. Hindi na pwedeng sumalampak sa sahig para maghalukay at baka may “gintong” libro akong makita.

Rio : Tagal naman pumili ni Nanay ng book ko! Tatay, take a picture muna!

Thanks to Ninang Let for the baby pouch. Carrying Rio around was such a breeze!

Heto na ang mga Book Sale finds para kay Rio.

The Rainbow Fish ( P65.00 )

Rio's Pooh "pocket" books! Uh, oh! Read the book Rio, don't eat it!

( Mom Em of Touring Kitty coined the “pocket” book thing in one of our Twitter exchanges. Read her Book Sale story here. )

Good buy na rin naman ang tatlong libro para kay Rio. Umabot lang ito ng P105!

Heto nga pala ang mga dapat tandaan kung sakaling mapadpad kayo sa Book Sale :

1. Pumili ng mga librong may BIG, BOLD at COLORFUL text at images.  Sa mga bata, lalo na sa mga hindi pa naman nakakabasa, ganyan ang nakakakuha ng kanilang atensyon. 

2. Kung maikling oras lang ang Book Sale trip mo, maghanda ka ng P120+ na budget para sa isang libro. May mga below P100 pa rin naman pero matatagalan ka bago makakuha ng mura na, bet na bet pang libro. Tutal, pwede pa namang i-swak sa monthly  budget ang P120 na libro para kay beybi. 

3. Kung kasama rin naman si Tatay sa Book Sale trip, magrekwes ka nang kargahin muna niya si beybi para makasalampak ka sa sahig at maghalukay ng mga pangmalakasang libro. Madalas kasi nasa ilalim ng rack ang magagandang titles. Style kasi yun ng matitiyagang Book Sale lovers na walang gaanong budget – itago sa sulok ang nahalukay nilang magandang libro. 

4. Make your Book Sale trip a habit.Once o twice a month – ang budget at oras na ninyo ang magtatakda nito. Ang mahalaga, nakakaipon na kayo ng mga libro para kay beybi habang maaga. Natuturuan din natin silang pahalagahan ang pagbabasa habang bata pa lang.

Pahabol: 

Siyempre, hindi magpapatalo si Tataystrip. Nakahalukay din kami ng isang photography book pero hindi sa Book Sale.  Nakapwesto lang ang mga racks nito sa isang sulok ng mall pero marami rin kaming nakitang magagandang titles. Definitely, worth the halukay time sa pagbalik namin.

Inspiring landscape photos by Ansel Adams

Happy pose naming mag-ina! Hanggang sa susunod na Book Sale Trip!

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s