Nanaystrip’s Christmas List

Unang Pasko ito ni Rio kaya dapat gawin  kong special at memorable.

 

Palusot mo lang ‘yan, pwedeng sabihin ng tatay ni Rio. Hindi pa naman talaga maaalala ni Rio ang Pasko ( higit 7 months pa lang kasi siya sa darating na Pasko), kaya tama nga ring ako lang talaga ang nag-iinarte.

 

May K naman akong mag-inarte di ba? Unang Pasko ko yata ito bilang nanay. Kaya gusto kong maging bongga ang Paskong ito at i-celebrate ang pagiging bagong nanay na matagal ko ring hinintay.

 

Para mas bongga ang Paskong ito, bukod sa mga nakagawiang paraan ng pagdiriwang, naisip kong gumawa ng Christmas List. Ano naman ang listahang ito?

 

Balak kong isa-isahin ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin pero hindi ko magawa-gawa sa maraming kadahilanan. Wow labo. Sa madaling salita, listahan ng mga balak/pangako/plano/pangarap (pwede na rin) na naudlot.  Ang clinch, susubukan kong tuparin ang mga nakasulat sa listahan ngayong Pasko.

Nanaystrip's Christmas list photo from http://www.goalwatchers.blogspot.com

Pwedeng mahaba o maikli lang ang listahang magawa ko. Tandaan: Lagpas isang buwan na lang at Pasko na. Kaya pipiliin ko lang ang makakaya kong karirin sa mga linggong darating. Mas mahalagang maekisan ko ang ilan sa mga matagal ko ng plano na hindi matuluy-tuloy.

 

Good luck na lang sa akin sa naisip kong Christmas List na ito. Huwag sanang maudlot pati ang paglilista ko.

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s