Our “shared” hobby

Nabasa ko sa blog na Wifely Steps na makakatulong para sa isang relasyon kapag may ineenjoy kayong mag-asawa na isang hobby o shared hobby. Sa kaso namin, mas swak na sabihing nagsusuportahan kami sa mga hilig at interes namin.
Feeling blogger si nanay,photographer mode naman si tatay. Paano ba pwedeng pagsalubungin ang mga ito?

Tataystrip's favorite subject ~ Rio!

Mga bagito pa lang kami sa blogging at photography. Sa mga nagsisimula sa isang bagong larangan, madalas kailangan ng pampalakas-loob. Yung nagsasabing maganda kung maganda at pangit kung pangit ang sinulat/kuha mo. At kapag nahihiya kang mag-share ng post/photo mo, may magtutulak sa’yong gawin ito. May kasama ring paalala na maging handa sa mga komentong makukuha mo sa mga makakabasa/makakakita ng mga gawa mo.
Sana samahan niyo kaming mag-asawa sa byahe namin — hindi lang sa pagiging mga magulang kay Rio, pati na rin sa “shared” hobby naming dalawa ( magkaiba man ang interes namin, “shared” dahil nagtutulungan kami at masaya para sa isa’t isa).
Nasa bandang kanan ng blog ko ang flicker account ng tatay ni Rio o pwede na ring i-click si tataystrip!  Enjoy!

Sana maging #1 fan ng blog ko si Rio pag nakakabasa na siya. Photo from zazzle.com

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s