Six Walastik Pasabog

 

Kalahating taon na si Rio! Ibig sabihin meron na lang akong anim na buwan para paghandaan ang 1st birthday niya. OA? Hindi naman OA, excited at oc-oc lang.

Gaano man kabilis ang mga araw, medyo matagal pa nga ang 1st birthday ni Rio. Marami pang dadaanang firsts  si Rio – unang Pasko, Bagong Taon (ma-survive kaya niya ang walang pakundangang putukan dito sa amin? Abangan!), Valentine’s Day ( isama talaga ito?!) at children’s party (kanino kayang party ang unang maattendan ni Rio? Abangan ulit!).

Habang hinihintay natin ang mga event na ito, eto na muna ang six walastik pasabog ni Rio! Enjoy!

 

  1. Yes! Dumadapa na si Rio!

Totoo na ‘to! Nakakadapa na talagang mag-isa si Rio. Dapa, tihaya at dapa ulit. Ganyan ang mangyayari paglapag na paglapag mo sa kanya sa play yard.  Ibang level na rin ng pagbabantay ang kailangan kasi nga mabilis lagi ang mga kaganapan. Malingat lang ako sandali, nakadapa na ang alaga ko.

Bagong hobby ni Rio ang dumapa nang dumapa nang dumapa

Napabili kami tuloy nang wala sa plano ng play yard dahil sa pasabog na ito ni Rio. Hindi kasi siya makadapa sa crib niyang kahoy. Bago ang play yard, ilang patong na comforter ang inilalatag namin sa sahig para doon siya magpagulung-gulong. Kaya officially, sa sahig talaga unang natuto at nag-enjoy si Rio dumapa.

ang play yard bow! dapat talaga lapat sa sahig para mas matibay.

 

Kaya talaga dapat matibay kasi joiner si Nanay sa play yard!

  1. Yummy feet!

Simula nang nagkakain na si Rio ng lahat na mahawakan niya, alam naming mag-asawa na hindi magtatagal at pati paa kakainin na rin nito. Hindi nga kami nagkamali, bigla na lang namin nakita si Rio na sarap na sarap sa kanyang mga paa.

Ayaw papigil ni Rio! Sarap!!!

Lahat na lang,yummy para kay Rio. Daliri sa kamay at paa, damit ng may karga sa kanya at shempre ang paborito niyang mga teethers.  Sabi nga ng pedia nang huli kaming nagpacheck-up, makapal na ang mga gilagid ni Rio at mukhang malapit na nga itong magkangipin. Good luck na lang sa mga utong ni Nanay!

 

  1. First out of town trip, first sleepover

Saan pa ba maglalakwatsa si Rio kung hindi sa paborito ring tambayan naming mag-asawa – kina Ninang Raia sa Laguna! Dito rin ang pinakahuling out of town trip ko bago namin nalamang buntis ako. Birthday celebration din namin yun nina Ninang Raia at Lara (ang aming pangmalakasang caterer/designer/ florist noong binyag ni Rio). Kaya pala antuking friend ang drama ko noon e nasa tummy ko na pala si Rio!

Si Rio sa kotse. ( May kotse rin si Rio, sa sando!)

Naalala ko tuloy ang payo sa akin ng isang pedia friend ko. Hintayin ko raw munang mag- 6 months si Rio bago bitbitin sa mga pasyal-pasyal. Halos natupad ko naman ang payo na yun. Bukod sa pana-panahong mall trip namin ni Rio pagkatapos ng pedia checkup niya, ito na ang pinakamalayo at totohanang lakwatsa niya. Ibig kayang sabihin nito, marami ng parating na byahe si Rio? Abangan!

  1. The Rio Saliva Shower Show

Hindi ko yan tinuro sa kanya. Ang hula ko, nadiscover niya ‘yan mag-isa habang naglalaro ng laway. Drool kung drool ( mas gusto ko ‘yang pakinggan kaysa tulo-laway) lang talaga ang laway ng anak ko buong araw. Numero unang senyales nga raw yan na magngingipin na ang bata.  Kakaexcite! Saan kaya unang lilitaw, sa taas o baba? Abangan again!

  1. Pa, Ma, Pe, We

Paminsan-minsan nasasabi na ni Rio ang mga syllable na ‘yan. Mas malinaw at madalas pa rin naming naririnig ang A- Ba sa kanya. Bibiglain na lang niya kami na nakakabigkas na pala siya ng iba pa. Feeling tuloy naming mag-asawa e atat na atat ng magsalita si Rio.  Shempre, wish ko pa ring matutunan na rin niya ang Na ( short for Nanay )at Ta (short for Tatay) para hindi kami mauwi sa Mama at Papa.

Dalawang beses na kami ginugulat ni Rio sa mga syllables na yan. Isa nung nasa harap kaming mag-anak sa computer habang sabik na sabik sa bagong repair na monitor. Bigla na lang narinig naming nagsalita si Rio ng kom-pe-teh. Totoo! Nagkatinginan kaming mag-asawa. Computer ba kamo, Rio?!

Isa pang nagulat ako, medyo kinilabutan din, nang sinabi ni Rio ang Pe. Tinawag ko pa ang kuya ko at pinaulit ko kay Rio. Sumunod naman ang bata at isa pang Pe ang binitiwan niya sa harap naming magkapatid. Mahalaga sa akin ang syllable na yun (watkind?! may sentimental value na palang taglay ang mga syllables ngayon) dahil halos sabay ang birthday ni Rio sa kamatayan ng paborito kong Tita Fe.

Rekwes lang ni Nanay : Rio, sa susunod De na lang ang sabihin mo ha! De for De-de.

  1. First Solids : POTATO

Mashed potato para mas sakto ang unang solids na kinain ni Rio. Nagluto ang tatay niya ng Nilagang Baboy dahil sabi ng pedia mas masarap kung may lasa-lasa naman ang ipapakain namin kay Rio. Kaya maganda kung nakasahog sa mga putahe ang ima-mash na patatas, kalabasa, kamote at iba pa.

Ineksakto din talaga namin na sa 6th month, mid-afternoon ang una niyang pagkain ng solids. Late nga ako at ngayon lang ako naghahagilap ng mga babasahin sa internet tungkol sa breastfeeding at complementary feeding. Mukhang malaki ang maitutulong sa akin ng mga artikulo tulad nito. (paki-click ito)

 

Ayan, nakaraos na uli ako sa anim na pasabog ni Rio.  Hanggang sa susunod na buwan para sa Seven Severe Pasabog! Huling beses ko na ito sasabihin sa post na ito, Abangan!!!

Heto pa  pala ang mga litrato namin sa 6th monthday ni Rio! Enjoy!

 

Rio and pretty Ate Ynah

 

Rio's cake this month -- Brown Derby ng Ms Polly's Specialty Cakes, Sabi nga ni Tita Anchi, masarap at di nakakaumay!

 

Our monthly photo ops! Nanay is getting bigger too. Hehe! Si Rio lang dapat, Nanay.

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s