Rio and Nanay on the road

Yes! Sa wakas nakalabas na rin kaming mag-ina ng Metro Manila. Mahigit isang taon ding puro short trips lang ang larga ko (noong buntis ako) at larga namin (noong andito na si Rio). Madalas ang ibig sabihin pa ng short trips ay monthly OB o pedia checkup na sinasabayan na lang ng eat-out sa pinakamalapit na mall (Rob Ermita, shempre!).

Naging maselan kasi ang pagbubuntis ko kaya lifestyle change talaga. Biglang tambay-bahay ang drama ko. Napakalayo sa rampa-allover na buhay bago mabuntis.

Nang dumating naman si Rio, maraming “sabi nila moments” o mga pamahiin ang dapat i-consider bago kami makalaboy. Kailangan daw mabinyagan muna ang bata bago mailabas ng bahay. Kung hindi naman mabinyagan, humanap daw kami ng mambubuhos para ma-bless muna si Rio bago bumiyahe. Bukod sa mga sabi-sabi na ito, mas naging sagabal sa aming weekend trips ang ulan at bagyo pa nga minsan.

On the road again

Congrats Ninang Raia!

Eto na! Wala ng makakapigil sa weekend trip namin. Sakto naman at maaliwalas ang panahon para sa unang out of town road trip ni Rio. Sakto rin dahil maraming kwentong naipon ang kanyang Ninang Raia para sa amin, lalo pa’t kakauwi lang nito mula Europa. Nanalo kasi ang kanilang Sinag Printing and Publishing Services ng isang International Award sa 2011 World Young Reader Prize Celebration na ginanap sa Vienna, Austria. (click here to read more about the Nataza Prize awarded to Sinag)

Sinag Printing owners Ruel Landicho and Raia Dela Pena-Landicho with Dr. Aralynn McMane, Director of Young Readership Development, and Jacob Mathew, WAN-IFRA President.

Rio’s Firsts  

First Bus Ride

Enjoy si Rio sa kanyang unang bus ride. Gising na gising si Rio habang nagpupuno ng pasahero ang bus. Pero nang umandar na ito, nagsimula nang umingit si Rio.  Ano kaya ang ibig sabihin nito? Gutom na ang bata! Kaya naman first time ko rin magbreastfeed sa bus. Dede kung dede lang si Rio hanggang makatulog. Nagising na lang siya nang malapit na kaming bumaba.

First Sleepover

Mahimbing ang tulog ni Rio sa “Big Bed, Calamaba Version”. Hindi naman siya namahay o nanibago kahit bago lahat ang nasa paligid niya. Hindi pa rin siya masyadong nangingilala kaya sama lang nang sama sa mga gustong kumarga sa kanya.

Pinaghandaan din namin ang lamig sa bahay nina Ninang Raia kaya nagdala kami ng tshirt at pajama para pantulog ni Rio. Sarap talaga ng tulog ng anak ko.

close eyes na rio!

Shirt + Pajama Outfit (Rio in his Yummy Feet Pose)

Kyoooot Rio! Sleep na!

Bonding Time with Ninang Raia

Sulit na sulit din ang luwas namin ni Rio. Walang hanggang kwentuhan pa rin ang sumalubong sa amin pero ngayon may nakikinig na sa amin — si Rio habang dumedede.

Pero si Rio na ang star ngayon. Kaya mas maraming bonding time ang mag-ninang. Masipag magkarga si Ninang Raia kaya happy naman si Rio. Masaya rin kaming love na love ni Anton (inaanak ko) si Rio. Nilalaro niya si Rio kahit pa medyo malayo na ang agwat ng edad nila at pang big boy na ang mga laro niya. Pansin din namin na talagang gusto na ni Anton magkaroon ng kapatid!

HI! This is Ninang Raia my love!

Yummy fingers!

Saan kaya ang susunod na road trip ni Rio? Sino kaya ang susunod naming makakabonding? Abangan!

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s