Labs ni Rio ang Human Nature

Noong buntis ako, ilang beses din akong nagbalak na bumili ng facial wash at moisturizer sa Human Nature. Di ko na matandaan kung bakit hindi natuloy at ipinanganak ko na si Rio, hindi ko pa rin nasusubukan ang mga produkto nila.

Salamat kay  Kumareng Isay* at nasubukan ko na rin ang isang produkto ng Human Nature.  First gift niya kay Rio ang Kids Nature Natural Shampoo and Body Wash ( Watermelon  Scent ). Bitbit niya ito nang dinalaw niya kami ni Rio sa PGH.

Hindi namin agad nagamit ang gift ni Isay dahil nakabili na kami ng Lactacyd Baby Bath bago pa ko manganak. May malaki ring Cetaphil si Rio sa bahay na galing naman kay Kumareng Bani*. Kaya naitabi muna namin ang Kids Nature.

Naubos na namin ang Lactacyd pero itinigil  namin ang Cetaphil nang may mga white spots kaming napansin sa noo ni Rio ( malapit sa anit). Ang sabi ng pedia, sensitive daw ang skin ni Rio. Ipinatigil niya ang paggamit ng matatapang na sabon sa paglalaba ng mga damit ni Rio. Kailangan Perla lang ang gamitin. Pinayuhan din niya kaming magpahid ng tinunaw sa tubig na anti-dandruff shampoo o kaya Nizoral cream.

Habang ginagamot namin ang mga white spots, naisipan kong itigil na rin muna ang Cetaphil at gamitin na ang Kids Nature Shampoo and Body Wash.  Unti-unting nawawala ang white spots sa noo ni Rio. Hiyang siya sa gamot at sa tingin ko nakatulong rin ang pagpapalit namin ng body wash at shampoo.

Bago pa man maubos ang gift ni Isay, umorder na ko agad sa Human Nature. First transaction ko ito sa kanila at masaya akong naging maayos ang lahat . Walang hassle mula sa pagregister, pag-order, pagbabayad sa bangko at pagdeliver ng mga produkto.  Isang araw pagkatapos kong magbayad sa bangko, dumating na ang mga inorder ko. Bilis!

Got the package! Bongga ang human nature box. Kahit konti lang order mo, nakabox! Winner!

 

Love ni Rio ang tarsier na nakaprint sa bottle! Shemps pati yung natural shampoo at body wash!

Mukhang magandang Christmas gifts sa mga kaibigan ko ang mga produkto ng Human Nature. Natural at organic na, mura pa.

——-

* Kumareng Isay – hayskul barkada, isang magaling na dermatologist

* Kumareng Bani – hayskul barkada, isang magaling na pediatrician

Dalawa pa lang yan sa mahuhusay at mababait na Ninang ni Rio. Ang swerte ni Rio no?!

 

 

 

 

One thought on “Labs ni Rio ang Human Nature

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s