Maraming gatas ba kamo?LAW-OY ang para sa’yo!

Mag-aanim na buwan na kaming exclusive breastfeeding ni Rio. Medyo confident  na rin ako sa dami ng gatas ko pero minsan napapraning pa rin ako kung sapat ba ang nakukuha ni Rio sa akin. Bakit hindi na singtigas ng dati ang mga dede ko kapag may gatas? Bakit matagal na ang mga pagitan bago uli ako ma-full tank? Kaya nitong mga huling araw, tiniyak ng Tatay ni Rio na humigop ako ng sabaw para makatulong sa pagpaparami ng gatas ko.

Ipakikilala ko sa inyo ang naging takbuhan ko kapag nasesense kong papakonti na ang gatas ni Rio. Ang LAW-OY. Salamat kay Ate O, na nagpakilala sa amin ng lutuing ito noong nagbakasyon dito sa Pinas. Ilang beses din akong pinagluto ni Ate O nito dahil nga magaling at maasahan daw ito sa pagpaparami ng gatas.

Shempre pa, malunggay ang main ingredient ng LAW-OY. Hinahaluan din ito ng kalabasa, kamatis at sibuyas para mas magkalasa. O di ba? Ingredients pa lang mahuhulaan mong napakadali at bilis nitong lutuin. (Note: Matrabaho din pala ang pagtanggal ng mga dahon ng malunggay,hehe)

Mga ingredients ng LAW-OY -- malunggay, kalabasa, kamatis, sibuyas at asin

Ganito lang kasimple ang pagluluto.

1) Magpakulo ng tubig. Ikaw na ang magtantsa kung gaano karaming sabaw ang ilalagay mo. Sakto lang dapat sa dami ng ingredients na meron ka para mas magkalasa.

2) Kapag kumukulo na ang tubig, ihulog na ang sibuyas at kamatis.

3) Kapag medyo malambot na ang kamatis, ihulog na ang kalabasa. Medyo matagal lumambot ang kalabasa kaya siguraduhing hindi pa gaanong malambot ang mga kamatis. Iwasang sobrang malalabog ang mga ito.

4) Kapag malambot na ang kalabasa, lagyan ng asin. Ikaw na rin ang tatantsa kung gaano karami ang ilalagay mong asin. Tip: Ayos lang na konting asin para mas mangingibabaw ang tamis na dala ng mga kalabasa.

5) Ihulog na ang mga malunggay. Isang kulo lang, ayos na.

Hindi lang ito madaling lutuin, magaan pa sa bulsa. Nasa P25.00 lang siguro ang gastos mo para sa isang lutuan. Mas tipid kung may tanim kang malunggay o may mahihingang kapitbahay.

O ano pang hinihintay ng mga breastfeeding mom, magluto na ng LAW-OY. Para magtuluy-tuloy at maparami pa ang gatas para sa ating malulusog at masisiglang mga beybi.

Adik na sa pagdapa si Rio! Go, go Rio!!!!

5 thoughts on “Maraming gatas ba kamo?LAW-OY ang para sa’yo!

  1. Haha! Law-oy din pala ang tawag ng mga nasa Luzon nito. Gustong-gusto ko ring kumain ng law-oy, kahit hindi ako nagpapadede. Hehehe. Ang sa amin dito sa Davao eh walang sibuyas at kamatis. At yung malunggay at kalabasa eh dinagdagan pa ng talong, okra, at alugbati (don’t know the Tagalog term for it pero dahon-dahon siya). At para mas mabango, nilalagyan pa ng lemon grass (o yung tinatawag naming tanglad dito). At para mas masarap pa, hinahaluan din siya ng pritong isda. Mas mainam kung pritong GG ang hinahalo.

    Like

    • Hi Juyjuy! Taga-Mindanao din yung bayaw ko. Siya nagturo kay Ate O na magluto ng law-oy. Sabi rin nila, pwedeng dagdagan pa ng ibang gulay tulad ng mga nabanggit mo. Kagabi, pritong isda ang partner namin sa law-oy. Try namin dagdagan ng gulay next time. Salamat!

      Like

      • Ay talaga po? Taga-saan po yung bayaw niyo? Oo diba po? Mas masarap ang may pritong isda? Minsan din kapartner ng law-oy ay yung bagoong at tsaka suka.

        Like

  2. Pingback: EAT malunggay, SAY “I have milk!” and LOVE your baby « nanaystrip

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s