Standard

High Five Pasabog

Five months na si Rio! Tulad ng dati, solb na kami sa simpleng salo-salo. Umorder lang kami sa Amber’s (saan pa?!) ng miki-bihon, pichipichi at lumpiang shanghai. Kapag may extra budget, nakakarir ko ang pag-order ng maliit na cake para sa monthday ni Rio.

Ngayong buwan, umorder ako ng chocolate cake sa Dulcelin. Sarap! Sa susunod na lang ako magpopost ng tungkol sa mga cakes na natikman namin tuwing monthday ni Rio.

20111012-230222.jpg

20111012-230332.jpg

20111012-230430.jpg

20111012-230849.jpg

First and last sa 5th month

Bago ang high five pasabog ni Rio,very special ang monthday niya ngayon dahil last month na niya makakasama sa celebration ang kanyang Lola M. Babalik na sa mga apo niya si Lola M sa ibang bansa pero sana makabalik siya sa susunod na taon sakto sa 1st bday ni Rio sa May.

First monthday naman na kasama niya si Ninang O. Mukhang matatagalan pa bago sila magkita uli. Baka ang susunod na playtime nila ay kapag naglalakad na si Rio.

20111012-231011.jpg

Heto na ang high five pasabog niya.

1. Get up, stand up Rio!

20111012-231124.jpg

20111012-231234.jpg

Nakakatayo at nakakaupo na si Rio, shempre may alalay pa.
Naging peyborit couch ni Rio ang malusog na tiyan ni Ninang O. Kaya naging bisyo na ni Rio ang tumayo sa tiyan ng sinumang may karga sa kanya.

2. A-ba!

Bigla-bigla na lang maririnig namin na sinasabi ito ni Rio.

Laging challenge namin sa mga bisita ni Rio na patawanin siya nang may tunog. For the record, sina Lola M at Tito Pol pa lang ang nagpakilig nang todo kay Rio. Panoorin ang video at abangan ang A-ba ni Rio.

3. Ferlin & Ceetrus

Tama! Nagsimula na si Rio uminom ng kanyang vitamins. Araw-araw bago ang aming bath time, pinapainom ko siya ng Iron at Vit C.

20111012-231412.jpg

Kakabilib si Rio dahil hindi niya niluluwa ang mga gamot. Enjoy pa siyang supsupin ang dropper hanggang huling patak!

4. Dampot, hila, hawak, KAIN!

Mukhang naghahanda na nga kumain ng solids itong si Rio. Lahat ng mahawakan, sinusubo at kinakain. Kaya binili namin siya ng mga teether para hindi niya laging pagdiskitahan ang kanyang sando at paa!  Grabe ang mahal ng mga teether ngayon! Nagulat kami at may teether na worth P500!!

Adik na si Rio sa mga teether niya!

20111012-231530.jpg

20111012-231643.jpg

5. Bedtime Routine ni Nanay at Rio

Isa sa mga inaabangan namin sa bahay ang linis time ni Rio bago matulog. Enjoy siya habang pinupunasan ko ng face towel ang mukha,leeg, braso, kilikili at buong katawan niya. Tawa lang siya nang tawa kahit antok na.

20111012-231804.jpg

Tuloy pa rin ang Big Bed songs at Youtube time namin bago matulog. Kanina lang may bagong pakulo si Rio sa Big Bed – dumadapa na si Rio mag-isa! Kailangan pa nga lang niya ng tulong sa pag-ayos ng naiipit niyang braso. Go rio! Dapa kung dapa!

20111012-231856.jpg

Pero ang ultimate bedtime routine namin ni Rio na talagang nakakapagpapahimbing ng tulog niya ay ang aming breastfeeding night session. Tyak yun pagkaubos ng gatas ko, tulog na kaming mag-ina. Zzzzzzz.

Dito na muna at abangan ang Six Walastik Pasabog ni Rio sa November.

One thought on “High Five Pasabog

Love to read your insights here

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s